^

PSN Opinyon

Jueteng lords nagsusulutan ng teritoryo

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang matindi ngayon ang away ng dalawang jueteng lord sa Timog Katagalugan dahil nagsusulutan sila ng teritoryo?

Ayon sa aking bubuwit, 110 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Cong. Jesli Lapus ng Tarlac, Dra. Juanita ‘‘Janet’’ Lee ng Lourdes Hospital, Reynel Academia, Ronalyn Labrada, Aiza Cabute at Christian Jay Federico.
* * *
Alam n’yo bang mainit ngayon ang away ng dalawang kilalang jueteng lord dahil sa pagpapalawak nila ng operasyon?

Ayon sa ating bubuwit, galit na galit ngayon ang isang jueteng Queen dahil gustong sulutin ng isa pang jueteng lord ang kanyang teritoryo. May kanya-kanya na pala silang teritoryo subalit gumagamit ngayon ng impluwensiya itong isa pang gambling lord upang mapalawak pa ang nasasakupan.

Simula nang maging governor si jueteng lord ay ginamit ngayon ang kanyang impluwensiya. Kinausap ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police sa kanilang region upang palawakin pa ang kanyang jueteng operations.

Dati-rati noong siya ay mayor pa lamang, ang kanyang probinsiya lamang ang pinagdarausan ng jueteng. Subalit ngayong governor na siya, pati ibang probinsiya ay gusto na ring pasukan.

Paging DILG Sec. Angelo Reyes.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang probinsiya na gusto pa ring pasukan ng jueteng ni Jueteng Lord ay ang Quezon. Kinausap na diumano ni governor ang PNP Provincial Director na isang koronel upang makapasok doon ang jueteng operations ni Gob.

At upang sumang-ayon ang nasabing PNP officer sa kagustuhan ni Gob, dinoble pa diumano ng jueteng lord ang ‘‘intelihensiyang’’ ibinibigay ni Jueteng Queen.

Kung dalawang milyong piso ang ibinibigay ni jueteng queen sa police officer, ginawa namang apat na milyon ni governor.

Wow, hanep namang intelihensiya at sulutan yan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil nagkasundo na si Governor-jueteng lord at ang PNP officer, kinausap pa diumano ngayon ang opisyal si jueteng queen na papasukin na sa kanyang teritoryo ang jueteng operations ni Gob.

Dahil sa ganitong sitwasyon, nag-aaway ngayon ang nasabing jueteng queen at jueteng lord na parehong taga-Southern Tagalog region.

Hanep, matindi pala ang labanan ng mga jueteng lords diyan. At suwerte naman itong police officer dahil doble-doble ngayon ang kanyang kabig o intelihensiya.

Meron na siya mula kay jueteng queen at meron pa siya mula kay jueteng lord.

Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang jueteng lord na nag-aaway ngayon sa kanilang area of operations ng jueteng ay sina…

Ang sabi ni jueteng Queen, ‘‘Iyo ang Batangas, akin ang Quezon.’’

Ang dalawang jueteng lord na nag-aaway ngayon dahil sa sulutan ng jueteng operations sa Southern tagalog region ay sina Batangas Gov. Armand Sanchez at Jueteng Queen Charing Magbuhos ng Quezon.

AIZA CABUTE

ANGELO REYES

ARMAND SANCHEZ

AYON

JUETENG

LORD

NGAYON

QUEEN

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with