^

PSN Opinyon

Narito pa ang 2 WPD cops na ayaw magpatulo ng pawis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HALOS buong tropa, mga suki, ng Western Police District ang nabigla at nadismaya nang isang umaga kumalat ang balitang kapwa nila pulis sa WPD ang hinuli sa isang entrapment operation na naganap sa isang fast food restaurant sa may panulukan ng United Nation Avenue at Maria Orosa St. Ermita, Manila.

May ilang block lamang ang layo sa WPD Headquarter na kung saan ang mga ito ay nakatalaga. Walang pinalampas ang mga magigiting na operatiba ng District Police Intelligence Unit (DPIU) sa pagtalima sa kanilang sinumpaang tungkulin. At kahit sino basta’t may kasalanan parusahan. Ika nga’y "walang personalan, trabaho lang" kaya nabitag ang dalawang nangingikil na pulis. He-he-he!

Malaking dagok ito sa mabuting pamamalakad ni WPD Director Chief Supt. Pedro Bulaong sa hanay ng kanyang kapulisan ang ginawang kabulastugan nina SPO1 Eduardo Moral naka-assign sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at PO3 Ferdinand de Guzman ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) matapos hulihin sa aktong tumatanggap ng P20,000 (mark money) mula sa kanilang kinikikilang illegal recruiter.

Pinangunahan pa ni Sr. Insp. Joselito Sta. Teresa, DPIU chief, ang operasyon laban sa dalawang pulis matapos na ireklamo ng isang nagngangalang Noylan Mangune ng Byblos Manpower and Recruitment Agency na sapilitan siyang hinihingian ng halagang P200,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Nagpakilala ang dalawang pulis na sila ay mga ahente ng Task Force Hunter ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) sa ilalalim ng pamumuno ni Capt. Reynaldo Jaylo. Ang kapal din naman ng "apog" ng dalawa, ano mga suki? Pati ba naman malinis na pamamalakad ni Jaylo ay dinungisan ng mga ito. Para lamang kumita ng salapi para sa kanilang kapritso. He-he-he!

Sari-saring mga salita ang aking naririnig sa mga kapwa nila pulis sa WPD na pawang galit at dismayado sa naturang pangyayari. Ayon sa mga nakausap ko, matagal nang gawain ng mga ito. At buntong hinagpis na sinisisi nila ang mga ito na sumisira sa kanilang malinis na hanay. "Ganyan talaga ang napapala ng mga pulis na ayaw magpatulo ng kanilang pawis, sa halip na mag-duty upang hanapin ang mga criminal ay naroroon sila sa loob ng (mall) sa Ermita at nag-aabang ng kanilang mabibiktima."

Ngunit mga suki, ang ipinagtataka ng mga reporter at photographer ng WPD Press Corps ay kung bakit itinago ang mga ito sa isang silid. At kahit sino ang aming tanungin ay kanilang idinadahilan na itoy ining-quest sa fiscal ng Manila Fiscal Office. Marahil nahihiya rin sina Supt. Co Yee Co, hepe ng CIDU at Supt Edgar Danao, hepe ng DIID, dahil sa kapalpakan ng kanilang tauhan. He-he-he!

O hayan PNP chief Edgar Aglipay, idagdag mo sila sa hanay nina Insp. Alfredo David, SPO2 Ernesto Manaois, SPO1 Wilfredo Sanchez, PO3 Reynaldo Robles at PO3 Reynold Geneta ng PS-4 na kinasuhan ng Robbery Extortion noong July 31 at maging si Insp. Reynaldo Racsa ng PS-11 na inakusahan naman ng mag-asawang Belarmino, upang hindi na sila pamarisan.

ALFREDO DAVID

BYBLOS MANPOWER AND RECRUITMENT AGENCY

CO YEE CO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

EDGAR AGLIPAY

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with