^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa ating mga atleta

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
HANGGANG sa sandaling sinusulat ko ito ay mailap pa rin sa atin ang medalyang ginto sa Olympics. Wala pa ring napananalunang medalya ang ating koponan sa Athens. Nakasalalay sa ating Taekwondo jins ang pag-asa na umani ng medalya sa Olympics. Sa likod nito ay nararapat pa ring bigyan ng parangal at maiinit na pagbati ang ating mga atletang lumahok sa Athens Olympics.

Hindi biro ang maging atleta at lalong mahirap ang mapasama sa Olympics. Kailangan ng matinding disiplina at determinasyon upang mahasa at mapagaling ang sarili. Hindi lamang linggo o buwan ang binubuo ng mga mahuhusay na manlalaro kundi taon ang bibilangin sa pagsasanay upang maging mahusay sa napiling larangan.

Sa ating 16 na Olympians, mabuhay kayo! Alam ko na ginawa ninyo ang makakaya at ibinuhos ang lahat upang mabigyan ng karangalan ang ating bansa. Alam kong sa mga nakaraang buwan o taon ng inyong paghahanda at pagsa-sanay para sa Olympics marami kayong ibinuhos na hirap at sakripisyo. Sa inyong pag-qualify lamang sa Olympics ay malaking tagumpay na ang inyong natamo hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi sa ating bansa.

Higit sa medalyang ginto, dala ninyo ang paggalang at pagpugay ng sambayanang Pilipino. Ipagpatuloy ninyo ang nasimulan at makaka- asa kayo sa suporta ng bawat Pilipino.

ALAM

ATHENS OLYMPICS

ATING

HIGIT

IPAGPATULOY

KAILANGAN

NAKASALALAY

OLYMPICS

PILIPINO

TAEKWONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with