^

PSN Opinyon

Malaking negosyante,nasa likod ng pag-usbong ng mga bilyaran sa U-Belt at Intramuros

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKAKAALARMA ang unti-unting pag-usbong ng mga bilyaran sa University Belt at maging sa Intramuros Maynila kung saan pangunahing parokyano ng mga ito ay mga estudyante.

Bukod sa larong bilyar, ginagawa rin itong "front" pagdating sa mga iligal na transaksyon gaya ng sugal, droga at "paid sex".

Isa na dito ang ZOOM BILLIARDS sa U-BELT kung saan nasa itaas lamang nito ang computer school na DATAMEX habang katabi naman nito ang Far Eastern University (FEU).

Pangunahing apektado ng bilyarang ito ang mga estudyante ng DATAMEX at FEU kung saan lantaran ang sugalan at inuman dito ng mga estudyanteng naliligaw ng landas.

Ayon sa ilang estudyante sa U-Belt, nagsisilbing "battle field" ng iba’t-ibang fraternity ang bilyarang ito dahil halos gabi-gabi ay may gulo sa loob ng mismong bilyaran.

Wala raw pakialam ang management ng ZOOM BILLIARDS sa tuwing nagkakagulo at may away ang iba’t- ibang Fraternity, dahil ayon mismo sa estudyante na tambay ng bilyaran maging mga spotter at mga empleyado ng bilyaran ay nakikibugbog.

Nuong nakaraang Miyerkules, kasama ang mga representante ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng Manila City Hall binisita ng BITAG ang ZOOM billiards upang alamin ang mga nagaganap na iligal na aktibidades sa mga bilyaran.

Sa loob ng nasabing establisimiyento, nakita namin ang mga estudyanteng garapalan sa kanilang paglalasing at pagsusugal. Sa isinagawang ocular inspection ng mga representante ng BPLO, nakapagtatakang bukod sa kanilang business permit ay may permit pa ito na magbenta ng mga inumin o alkohol sa mga estudyante.

Sinasabing malalaking tao ang may-ari ng bilyarang ito, maging ng iba pang bilyaran sa paligid ng U-belt at Intramuros.

Maaaring nakalusot o nakapasa ang mga may-ari ng mga bilyarang ito sa pagkuha ng kanilang business permit at lisensya sa Manila City Hall, pero hindi kayo makakaligtas sa aming patibong. Dahil hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa inyo ng BITAG!
* * *
BITAG hotline numbers, para sa mga NAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

AYON

BILYARAN

BUREAU OF PERMITS AND LICENSING OFFICE

FAR EASTERN UNIVERSITY

INTRAMUROS MAYNILA

MANILA CITY HALL

UNIVERSITY BELT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with