Wala pang nagagawa ang mga senador at kongresista
August 14, 2004 | 12:00am
WALA pang nagagawa ang mga senador at kongresista sapagkat abala sila sa pag-aagawan sa mga posisyon at pamumuno sa mga komite. Milyong piso ang ginagastos ng mataas at mababang kapulungan araw-araw pero walang kapakinabangan sa bansa. Para lamang sa kanilang pansariling interes ang iniintindi.
Naghahabulan sila sa paghawak sa mga mala-laki at maimpluwensiyang tungkulin at komite. Gaya na lang ng nangyaring hatian ng termino nina Sen. Franklin Drilon at Sen. Manny Villar sa pagka-pangulo ng senado. Onli en da Philippines nangyayari ito. Pati mga matatandang retiradong heneral ng senado na si Sen. Rodolfo Biazon at Sen. Alfredo Lim ay magsusuntukan dahil sa mga komite.
Mas matindi sa House of Representatives. Ang mga kongresista ay parang mga bata na pinag-aagawan ang mga komite at magagandang posisyon. Pati mga bagong salta ay naghahabol ding makahawak ng mga premyadong komite na katulad ng Commission on Appointments at Committee on Appropriations.
Alam nyo ba kung bakit nag-aagawan ang mga senador at mga kongresista upang mamuno sa mga komite? Malaki ang nakalaang budget para sa mga komite at ng chairman nito ang may desisyon kung papaano ito gagastusin o lalaspagin. Bilyong piso ang budget na pinag-uusapan dito.
Kaya nga kung talagang nais na magtipid ang ating pamahalaan, tanggalin na ang mga pork barrel at mga malalaking allowances ng mga senador at mga kongresista. Hindi na kailangan pang magpataw ng buwis ang pamahalaan na ang naghihirap ay mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended