^

PSN Opinyon

Katanungan sa Community Mortgage Program (Huling Bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG lupang bibilhin sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) ay dapat na may Transfer of Certificate of Title (TCT) at walang ibang nakarehistro pananagutan sa panahon na ito ay ipapangutang sa CMP. Ang klasipikasyon sa gamit nito ay residential o para sa tirahan at kung hindi man, kailangan ng paglilipat ng gamit nito (land conversion). Kailangan din na may nakasulat na layunin ng asosasyon o samahan upang bilhin ito. Kinakailangan din na ang may-ari ng lupa ay pumapayag o nakikipagkasundo na ibenta ang lupa sa samahan ng ‘‘informal settlers.’’

Ang inyong asosasyon ang mangungutang at magsisilbing may-ari ng lupang bibilhin hangga’t hindi pa nahahati-hati ang titulo nito. Sa CMP ang mga pamilyang kasapi ay maghuhulog buwan-buwan sa loob ng hindi hihigit ng 25 taon upang mabayaran ang pagkakautang. Ang utang ay papatawan ng 6 percent lamang kaya hindi ito kabigatan.

Ang karapatan ng bawat kasapi o benepisaryo sa lupa at kanyang pag-aari ng bahagi nito ay nababatay sa isang kasunduan niya sa samahan. Ito ay tinatawag na ‘‘Lease Purchase Agreement.’’

Mismo ang lupang nabili at bahay na ginastusan ng pautang ang siyang magsisilbing kolateral o panagot sa utang sa CMP.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa CMP 892-5760.

CMP

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

KAILANGAN

KINAKAILANGAN

LEASE PURCHASE AGREEMENT

MISMO

NITO

TRANSFER OF CERTIFICATE OF TITLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with