^

PSN Opinyon

"Basketball Ending (Isa Pa Nga...)"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NANALO BA KAYO KAHAPON SA PALARO NG PAGCOR SA BASKETBALL ENDING NUNG MIYERKULES? SA UNANG GAME NG NCAA, ANG SCORE NG LETRAN VS JRC AY 87-84. SA PANGALAWANG GAME NAMAN AY SAN SEBASTIAN COLLEGE 82, ST. BENILDE 77. IBIG SABIHIN NIYAN, LUMABAS ANG 7-4 NA KUMBINASYON SA UNANG GAME AT SA PANGALAWA NAMAN AY 2-7.

PATULOY, WALANG TIGIL ANG PASUGAL NG PAGCOR PARA SA MGA ESTUDYANTE. OO, ESTUDYANTE. KAHIT ANONG SABIHIN NILA, MGA STUDENTS ANG PUPUSTA DAHIL SILA ANG MAHILIG MANOOD NG NCAA GAMES. SA UAAP NAMAN KAHAPON, HINDI PA TAPOS ANG LARO HABANG ISINUSULAT KO ANG ARTIKULONG ITO.

Marami ang nag-react sa aking isinulat. Mga text messages na ipapablish ko sa mga darating na araw. Ito ay sa pag-asang matauhan ang mga taong nasa likod ng PAGCOR sa ganitong palaro dahil ang kanilang advertising blurb O slogan na "CARING THROUGH RESPONSIBLE GAMING" ba ang matatawag dito?

Does PAGCOR really care and responsible enough when it introduced INTERNET BETTING that our children can do right inside their own bedrooms, using their very own personal computers?

I really don’t give a damn about people who go out and enter casinos and gamble their money. That’s their business. But when we talk about safeguarding our very homes from robbers and opportune takers, we should start making it our business.

Nakausap ko ang isang mataas na opisyal ng PAGCOR at siya mismo ay kombinsido na dapat ayusin ang website ng Baketball Ending na palaro na yan. "But they need time to do that," sabi niya. Okay, fine. But in the meantime, bumubulusok ang kanilang palaro sa UAAP at NCAA kung saan mga students na karamihan ay below 21 ang kanilang market.

Sa internet gambling, hindi nakikita ang taong tumataya. PLAINVIEW DOCTRINE. Hindi mo talaga masisiguro kung below 21 yrs old yung tao. Kahit high school student kayang sumali makuha lang nila ang credit card number ng kanilang magulang. Number lang okay na.

Isang Regional Director ng NBI ang mismong nagsabi.

"We have had cases na betting through the internet kung saan bago nalaman ng magulang na tumataya ang kanilang anak, daang libo na ang utang nito."

Ayon na rin sa aking kausap, ibinigay ng PAGCOR sa PHILWEB ang pamamahala sa sugal na ito. Tanong ko, "sino-sino ang mga tao sa likod ng PHILWEB? Maari bang pangalanan ang mga incorporators nitong corporation na ito, sang-ayon sa inirehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC)?

For transparency, para naman malaman ng taong bayan kung sino sila. Bakit sila pinagpala na mabigyan ng ganitong franchise? Nagbabayad rin kaya sila ng tamang buwis? Paano na momonitor ang mga pustang pumapasok sa Basketball Ending game na ito?

Wala kayang "conflict of interest" sa pagitan ng PAGCOR at PHILWEB? Handa naman sila sigurong harapin ang mga katanungan na ito. Wala bang bagong halal na mambabatas na maaring magsulong ng isang Senate Inquiry in aid of legislation, para mahinto itong Basketball Ending na ito? Sec. of Justice Merceditas Gutierrez, akala ko ba mainit ka sa mga pasugal para sa ating mga school children kaya minumungkahi mo ang pagbawal ng pagdadala ng cell phones sa eskwelahan. Itong basketball ending, personal computers ng mga anak natin ang ginagamit na pang-akit sa kanila na pumusta.

Isa sa mga reactions na natanggap ko through text message ay ganito ang takbo.

"I would like to give more info tungkol sa internet gambling that Pagcor has been running. Actually during the last campaign period, one of the slogans of Sen. Jawo is that he would fight against INTERNET GAMBLING. Siguro puro palpak ang mga informants ni Jawo kaya talamak pa rin ang internet gambling.

Yan ang totoo. It is not only the on line gambling that Pagcor has been using and is being used by students and minors but also the Pagcor Arcades in several areas in the Phil. that has been mushrooming. Worse, information that we nave is that these arcades allow people to play with 500 pesos initial capital worth of credit. Nag-aambagan ang mga students and minors para makapagsugal. Profit is the concern of Pagcor and the truth is Mr. Genuino and Pagcor doesn’t care for responsible gaming. Sa dami ng mga slot machine arcades, internet shops and on-line gambling, Mr. Genuino doesn’t care about the moral values. Actually, Pagcor has a charter that only two casinos will be allowed to operate in Manila. Holiday Inn and Grand Boulevard. Pero pagnag-ikot ka, merong Pan Pacific, Marina, Ronquillo’s more…Sa Pasay may Heritage Hotel., Atrium, Westin Phil. New World Hotel and more pa ulit. Lagpas na ng boundary ng Manila. Marami ang naghihirap sa ginagawa nila ngayon.

When I forwarded this messages, (I have omitted some because they were malicious and libelous) to a Pagcor official, right away he brands it as coming from an employee whom Pagcor could have terminated and is riding on the issue. Perhaps this is true.

Subalit hindi ito ang aking binabatikos. Para sa akin, sige, kung gusto n’yong lustayin ang pera n’yo hanggang mamulubi kayo, go ahead. Hindi n’yo kayang pataubin ang mga casino. Take it from me.

Ang internet gambling ng mga laro sa basketball ay dating larong kalye lamang. Maari nating pagbawalan ang ating mga anak. Ngayon, inuulit ko, dinala na sa loob ng ating tahanan sa pamamagitan ng kanilang mga personal computers ang sugal na ito. Where is responsible gaming here? For heaven’s sake…all year long ang basketball ending game na yan. Pagkatapos ng UAAP at NCAA, PBA naman. Sa November hanggang mga June, NBA naman. Hindi na ba kayo nakokonsyensa sa panunuksong ginagawa ninyo?

Sabi ng Pagcor official na kausap ko. "Matanda na raw siya at hindi na dapat problema ang pag-usapan naming. We should talk about other things." Sumagot naman ako na "Okay, actually this shouldn’t be your concern. Let me do what I have to do and we should not even talk about this. We should talk about other more plesant things." Binalikan ako ng sagot na ganito…

"Concern ko padre ang welfare ng Pagcor at ang leadership nito. 1) Dahil mabubuti kaming tao lalo na si Chairman. HINDI AKO SIPSIP TONY KAYA PWEDE MO KONG PANIWALAAN. 2) Daming mahihirap na buhay ang nakataya na natutulungan ng Pagcor. Ako mismo, when I was the head of __, dami kong natulungan coz the chair and the board of directors approved it all the time. We are not asking for applause but tao pa rin kami who feel great being understood. Kahit konti."

Very eloquently put. If I may say so myself.

Wala namang nagsabing masasamang tao kayo. Feeling mo lang yun. You want applause and a feeling of understanding when minors and students are being victimized by this Basketball Ending game?

Well, don’t expect it from me, buddy. You won’t get it!

Kayo ano ang palagay n’yo? COMMENTS AND REACTIONS, CALL ME THROUGH 7788442. YOU CAN ALSO SEND YOUR TEXT MESSAGES TO 09213263166.

BAKETBALL ENDING

BASKETBALL ENDING

INTERNET

NAMAN

PAGCOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with