^

PSN Opinyon

Sino kaya ang susunod sa yapak ni SPO3 Jun Lim ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGWAKAS na rin ang halos isang dekada na paghihinagpis ng mga residente ng Mandaluyong City sa kalupitan ng anti-vice unit ng pulisya. Kasi nga, nag-resign na sa tungkulin noong nakaraang linggo ang kinamuhian nilang hepe ng anti-vice na si SPO3 Felipe ‘‘Jun’’ Lim. Hindi na siguro nakayanan ni Jun Lim ang pressure sa kanya ng opisina ni Mayor Boyet Gonzales kaya’t minabuti na lamang niyang umalis sa puwesto para wala nang ibang madamay pa. Maraming sumbong kasi laban kay Jun Lim at mga sibilyan niyang tauhan na mahilig magpulis-pulisan kaya’t hayan tinamaan siya ng lintek. Makakabawi pa kaya si Jun Lim? Maaari, kasi ang balitang nakarating sa akin, eh kaagad namang kinalong si Jun Lim ni Chairman Benjamin Abalos Sr. ng Commission on Elections (Comelec) kung saan siya naka-detach service (DS) sa ngayon, he-he-he!

Pinatunayan na naman natin na hindi talaga namamayani ang kasamaan sa ibabaw ng mundong ito, di ba mga suki? Sino kaya ang susunod sa yapak ni Jun Lim? Tama lang na hindi nagpaiwan si Jun Lim sa lokal na pulisya dahil tiyak kakagatin siya ng kanyang kapwa pulis. Kasi nga sa tagal ni Lim sa puwesto niya, ni isang opisyales ng lokal na pulis ay wala siyang pinagbigyan sa mga pakikiusap sa mga kaso kahit hindi naman kalakihan. Ang loyalty kasi ni Lim ay sa mga Abalos at mukhang hindi niya napaghandaan ang panahon na mawala ang angkan ni Comelec chair sa puwesto tulad ng nangyari sa ngayon. Talagang marunong ang Diyos. Binigyan niya ng senyales si Jun Lim at sana ay matuto na itong lumingon sa pinanggalingan niya kapag nakuha niyang muli ang anti-vice unit nga. Hindi naman galing sa mayamang angkan si Jun Lim kaya’t nagtataka ang mga kakilala niya kung bakit galit siya sa mga mahihirap na residente ng Mandaluyong na pinahirapan niya ng husto.

Bago umalis na tuluyan si Jun Lim, dapat sigurong paimbestigahan ni Mayor Gonzales ang bodega ng anti-vice unit na matatagpuan sa mataas na gusali ng police station. Ayon sa mga pulis-Mandaluyong na nakausap ko, ang mga nakulimbat ni Jun Lim at mga tauhan niya sa mga ilegal ay nandoon sa bodega nakaimbak. Puno raw ang bodega, anang kausap ko, ng bigas at kung anu-anong klaseng de-lata at sardinas. Kaya kahit ilang taon pang wala sa puwesto itong si Jun Lim, hindi magugutom ang kanyang pamilya dahil sa mga nakatagong pagkain sa bodega niya.

Ang labis na nasiyahan dito sa pag-resign ni Jun Lim ay si alyas Diday. Kung noon may mahigit 30 puwesto si Diday ng racehorse bookies sa Mandaluyong City, eh nabokya na siya sa ngayon dahil sa lupit ng grupo ni Jun Lim. Pero kahit wala na si Jun Lim hindi pa rin makabalik si Diday sa dati niyang negosyo dahil tumaya siya sa maling baraha ng nakaraang elections. Kaya’t markado na itong si Diday at sa tingin ng mga kausap kong pulis, eh Divine intervention ang kailangan niya para makapagbukas siyang muli ng mga butas sa karera nga. Sino kaya ang papalit kay Jun Lim? Abangan!

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

DIDAY

JUN

JUN LIM

KAYA

LIM

MANDALUYONG CITY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with