^

PSN Opinyon

Hindi lang si Angelo ang 'anak ng Diyos'

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISANG ‘‘heroes welcome’’ ang ibinigay kay Angelo de la Cruz, ang truck driver na binihag ng militanteng Iraqi. Ang pagkakabihag sa kanya ay naging daan sa maagang pullout ng mga tropang Pilipino sa Iraq. Sang-ayon ako kay Congressman Gilbert Remulla at ibang political analyst na nagsabing si Angelo ay hindi isang bayani at hindi dapat bigyan ng sobra-sobrang biyaya. Yes, Angelo de la Cruz is not a hero but a survivor. Mas maraming OFWs ang nagdaranas ng kaapihan at ito ang dapat aksyunan ng Arroyo government. Hindi mabilang ang mga OFWs na nakabilanggo sa Saudi at iba pang lugar sa Middle East. Walang tamang ulat kung ilang OFWs ang napupugutan ng ulo. Marami na ring Pinay domestic helpers na dahil sa kalupitan ng mga amo ang namamatay. Kamakailan, nagbalikbayan ang isang DH na sobrang binusabos at bugbog sarado sa employer niyang prinsesa. ‘Isa pang DH ang bumalik na nasiraan ng bait. Marami ang nagdurusa sa bilangguan at parang mga kandilang unti-unting nauupos sa kawalang pag-asa na matutulungan at mabibigyan ng katarungan.

Hindi lang si Angelo ang anak ng Diyos. Ito ang sigaw ng libu-libong Pilipinong pumipila sa isang agency para makapagtrabaho sa abroad. Karamihan sa kanila ay apektado ng travel ban sa Iraq. Sabi nila harangan man sila ng sibat ay handa silang makipagsapalaran at hindi na baleng mamatay sa Iraq huwag lang mamatay ng gutom sa Pilipinas.

ANGELO

CONGRESSMAN GILBERT REMULLA

CRUZ

DIYOS

ISA

KAMAKAILAN

KARAMIHAN

MARAMI

MIDDLE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with