^

PSN Opinyon

Hindi lang dibdib ni Supt. Noli Romana ang makapal kundi pati mukha

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAHILIG palang maglaro ng golf si Supt. Noli Romana, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa southern Metro Manila. Ang problema lang mga suki, hindi marunong bumunot sa bulsa si Romana at ipinapasa niya ang gastusin sa bisyo niya sa mga may ilegal diyan sa lugar niya. Kaya sa ngayon, palaging nakasimangot ang mga kapitalista sa Pasay City, Makati City, Muntinlupa City, Las Piñas City, Parañaque City, Taguig at Pateros. Kasi nga ang kinikita nilang kokonti ay hindi sa pamilya nila napupunta kundi sa kinahiligan ni Romana. Abo’t langit na nga ang intelihensiya nila sa CIDG, eto’t kada linggo pa kung manghingi si Romana para sa bisyo niya, he-he-he! Hindi lang dibdib ni Romana ang makapal kundi maging ang mukha niya, di ba mga suki?

Ayon sa mga sumbong na nakarating sa akin, kada linggo kung magpadala ng ticket sa gold si Romana sa mga may-ari ng nightclub, bookies ng karera, casa at jueteng sa area niya. At ang presyo ng tiket ay mula ito P1,000 hanggang P3,000. ‘Langhiyang bisyo ito napakamahal, di ba mga suki? Ang palaging binabanggit ni Romana ay ang mga pangalan nina CIDG director Chief Supt. Arturo Lomibao at Sr. Supt. Don Montenegro ng CIDG NCR. Kaya sa ngayon, gasgas na ang pangalan nina Lomibao at Montenegro sa mga kapitalista sa area ni Romana, he-he-he! At sino ang hindi tataas ang balahibo sa tigas nina Lomibao at Montenegro, aber?

Kaya hilong-talilong ang mga kapitalista kapag nakikita nila ang mukha ni SPO4 Leo Palatao, ang kolektor ni Romana, dahil tiyak malalagasan na naman ang mga bulsa nila. Minsan kasi, ang mga tiket ni Romana ay walang presyo at siya na mismo ang tumatawag kung magkano ito. Simpleng raket pero epektib, di ba Supt. Romana Sir? Kung nangangalay ang balikat ni Romana sa kalalaro ng golf, ang hindi ko lang alam ay kung ganoon din ang nararamdaman niya sa paghahabol ng mga kriminal. Teka, ano ba ang accomplishment mo laban sa kriminalidad diyan sa SPD ha Supt. Romana Sir? Meron ba?

Ilan pa kayang Romana ang meron sa CIDG na walang ginawa tulad ng hepe niyang si Montenegro kung laban sa kriminalidad ang pag-uusapan. Ang balita ko pa dahil sa sa kasuwapangan ni Romana sa pera, may balak nang bumitaw si Palatao dahil nahihiya na siya sa mga kapitalista. Ang papalit kay Palatao ay isang Maj. Ocden. Tiyak mas malupit si Ocden dahil sanggang diin ang hasang nila ni Romana, di ba mga suki? Hindi ba itong si Ocden ay galing sa Task Force Jericho ni dating Interior Sec. Joey Lina? Kung siya nga ’yon, may katwirang mangamba ng mga kapitalisata sa SPD dahil mas mabangis pa si Ocden sa tigre, he-he-he! Pera-pera rin ba ang lakad nitong si Maj. Ocden? Tiyak magugulo na naman ang tabakuhan diyan sa SPD sa pagpasok ni Ocden, di ba mga suki? Sina Ocden kaya ang mga ‘‘kotong’’ cop na unang mahuhuli ni Interior Sec. Angie Reyes? Abangan!

vuukle comment

ANGIE REYES

ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

INTERIOR SEC

KAYA

MONTENEGRO

OCDEN

ROMANA

ROMANA SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with