Paliwanag sa talinghaga ng manghahasik
July 23, 2004 | 12:00am
SA Ebanghelyo sa araw na ito, ibinigay ni Jesus sa atin ang mga dahilan kung bakit ang mga binhing inihasik ay hindi nagtatagumpay lumago. Gaya ng aking nabanggit sa nakaraang kolum, ang paglago ng mga binhi ay nababatay sa disposisyon ng taong nakikinig sa talinghaga - ang salita ng Diyos (Mt. 13:18-23).
"Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kayat hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng nahasik sa dawagan ang nakikinig sa Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitay nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayat hindi makapamunga. At inilalarawan ng nahasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Silay namumunga: may tig-sasandaan, may tig-aanimnapu at may tig-tatlumpu."
Narito ang mga dahilan kung bakit ang binhi ay hindi lumalago. Ang taong nakakapakinig ay hindi nauunawaan ang kahulugan ng talinghaga. Ang ikalawa naman ay naimpluwensiyahan ng masamang espiritu. Ang pangatlo, lumago ang binhi subalit pansamantala lamang. Nang dumating ang mga pagsubok at pasakit, sumuko ang tao.
Ang ikaapat ang binhing nalaglag sa dawagan ay sumasagisag sa isang tao na napakaraming alalahanin. Naakit siya sa pera. Madali siyang sumuko. Ang salita ng Diyos ay hindi gaanong mahalaga kaysa sa akit ng kayamanan.
Ang mabuting lupa ay ang taong nakikinig sa salita ng Diyos at nagninilay dito. At anumang matutunan mula rito ay kanyang isinasakatuparan. Isang binhi lamang ang itinanim, ngunit napakarami ang ibinunga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended