^

PSN Opinyon

Modus ng mga fixer sa labas ng NSO,hulog sa BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAGING matagumpay ang isinagawang entrapment operation ng BITAG at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Camp Karingal sa pamumuno ni Col. Edgardo Wycoco laban sa mga naglipanang fixers sa labas ng National Statistics Office (NSO) sa East Avenue sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng surveillance-undercover operation, nahulog sa BITAG ng aming concealed camera ang modus ng mga fixer sa NSO na naggagawa ng mga pekeng birth certificate.

Matagal nang nakakatanggap ang BITAG ng mga reklamo mula sa mga nabiktima ng mga fixer sa NSO kung saan sa loob lang ng dalawang oras, presto! makakapagpagawa ka na ng birth certificate sa halagang P1,500.

Batay sa reklamo, estilo raw ng mga fixer na ito na harangin ang mga nagpupunta sa NSO upang kumuha ng kanilang birth certificate at tanungin kung may reklamo ang mga ito sa kanilang mga birth certificate.

Kahit ano raw puwedeng baguhin ng mga ito, mula sa edad hanggang sa mismong pangalan ng kumukuha ng birth certificate.

Ang ipinagtataka ng BITAG kung bakit tila walang pakialam ang pamunuan ng NSO sa mga kawatang nasa paligid ng mismong balwarte nila.

Ito ang nagtulak sa BITAG para magsagawa ng aming surveillance operation upang mapatunayan ang mga reklamong natatanggap namin at upang ipakita sa mga nagbubulag-bulagang opisyal ng NSO ang kabulukan sa labas ng kanilang ahensya.

Sa pangunguna ng team leader ng CIDG-CPD na si Police Chief Inspector Joselito Bermejo, matagumpay na naisagawa ang aming operation laban sa mga fixer na pangunahing trabaho ay manloko at pagsamantalahan ang mga pobreng kumukuha ng kanilang birth certificate.

Panoorin sa Sabado kung papaano tuluyang nahulog sa aming patibong ang modus ng mga kawatang fixer sa NSO sa Quezon City.
* * *
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, i-text, (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310.

Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

BITAG

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EAST AVENUE

EDGARDO WYCOCO

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NSO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with