^

PSN Opinyon

Cabinet secretary niregaluhan ng magandang 'pokpok'

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang niregaluhan ng maganda at maputing ‘‘pokpok’’ ang isang Cabinet secretary?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Bokal Miriam Mendoza ng Cavite; Josef Jerome Nuevo, Ross Reyes, Mac Solana, Ronnette Chavez at Capt. Dennis Williams ng US Embassy.
* * *
Alam n’yo bang niregaluhan ng mamahaling ‘‘pokpok’’ ang isang miyembro ng Gabinete ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa aking bubuwit, kaya naman pala napakamahal ang ‘‘pokpok’’ na iniregalo kay Sir ay dahil napakaganda naman.

Ito ay artistahin, talo pa nga ang ibang actress sa puti, sexy at ganda nito. Kumbaga sa Luck 9, ito ay Kartada Nuwebe na.

Kaya lang, ang presyo nito ay hindi pang-Ilocano.

Ang ibinayad pala ng negosyanteng nagregalo kay Secretary ay limpak-limpak na P60,000.

Ang mahal namang putahe ’yan?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang nasabing ‘‘pokpok’’ ay idineliver sa isang kuwarto sa Shangrila Hotel-Makati City. Siyempre, pagdating sa hotel ay nag-shower na sila at nagloving-loving.

Kaya lang, habang nagsisimula na ang romansahan, nagkaroon ng problema. Ayaw mag-land of the morning ang ‘‘barangay chairman’’ ni Mr. Secretary.

Sa kabila ng mga pahimas-himas at iba pang romansang ginagawa ng magandang prosti, talagang ayaw magalit si ‘‘barangay chairman.’’ Hindi siguro nakapag-baon si Sir ng blue pill na tinatawag. O baka naman palyado na ang kanyang puson kaya hindi siya puwedeng uminom ng viagra.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil talagang ayaw sumaludo si ‘‘barangay chairman,’’ ang ginawa na lamang ni Sir ay natulog. Tinulugan yung first clas ‘‘pokpok’’ na iniregalo sa kanya.

Siguro, pasalamat na rin yung ‘‘pokpok’’ kasi medyo amoy hukay na si Mr. Secretary.

Kaya pala hirap nang makipaglibing si Sir.

Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet secretary na niregaluhan ng isang contractor ng ‘‘pokpok’’ worth P60,000 ay walang iba kundi si…

Naku, anong kontrata naman kaya ang kapalit nun?

Ang Cabinet secretary na hindi tinayuan ng ‘‘barangay chairman‘’ ay walang iba kundi si…

Siya ay walang iba kundi si Secretary F. as in Foxrot.

vuukle comment

ANG CABINET

AYON

BOKAL MIRIAM MENDOZA

DENNIS WILLIAMS

JOSEF JEROME NUEVO

KARTADA NUWEBE

KAYA

MAC SOLANA

MR. SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with