^

PSN Opinyon

Atty. Teodoro "Teddy" Delarmente

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NATUWA si BI Associate Commissioner for Intelligence Teddy Delarmente sa kautusang ipinalabas ni Acting DOJ Secretary Merceditas Gutierrez na masusing imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot niya sa pagpapa-release ng isang Chinese national na sinasabing sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Si Teddy, kasi ang itinuturo ng tatlong ahente ng BI Intel group na nagpa-release kay Li Yong Cheng.

Pinasinungalingan ni Teddy ang akusasyon ng tatlong ahente na siya ang nag-utos sa pagpa-release sa tsekwa. Nagulat kasi si Teddy nang makita niya ang mga tauhan ni Atty. Faizal Hussein noong Sabado sa BI main office ng hulihin nila si Li noong Sabado.

Bawal kasi sa bureau, ang manghuli ng Sabado, Linggo at holidays ng walang pahintulot mula kay BI bossing Al Fernandez at sa rekomendasyon ni Delarmente.

For your information dear readers, si Teddy ay miyembro ng PMA Class 70 pero nag-retiro na. Siya rin ang naging bossing ng EIIB-NCR noong panahon ni Ramos at na-promote bilang Deputy Commissioner ng EIIB. Dati na rin siyang BI Intel bossing noong panahon ni dating Prez Ferdinand E. Marcos.

Naging miyembro ng MISG sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Rolly Abadilla. Pero walang naging kaso si Teddy sa Korte tulad ng kurapsyon, pagpatay, paglabag sa karapatan pantao etsetera. Si Delarmente ay maka-Diyos at maka-tao.

Hindi ang Chief Kuwago ang PR ni Teddy, nagmamalasakit lang po tayo sa taong alam natin ang integridad. Sa kuwento ni Teddy, sa mga kuwago ng ORA MISMO, kasama niya si QC Councilor Beth Delarmente, noong Sabado sa kanyang office sa BI main dahil nagbihis sila ng damit matapos silang manggaling sa kasalan.

Paglabas ni Teddy ng kuwarto nakita niya ang tatlong intel kasama ang tsekwa kaya sinita niya ang mga ito. Sino ang huli ninyo. Sabado ngayon, kanino galing ang mission order, sabi ni Teddy sa mga guys.

Umalis si Teddy ng opisina ng bago mag-alas sais ng gabi pero sa report ng guwardiya ng BI nai-release si Li ng bandang 9:00 p.m. Gusto ni Teddy, ang ginawang imbestigasyon dahil dito magkakabukuhan kung sino ang gumagawa ng story telling a lie.

‘‘Kung sangkot si Li sa operasyon ng droga, dapat properly coordinated ito sa PDEA?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Kung overstaying alien si Li talagang dapat huli- hin pero hindi puwede ng Sabado,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Dapat din may bitbit silang mission order galing kay BI Commissioner Fernandez.’’

‘‘Kung hinuli man nila si Li dapat kasama ang PDEA agents para sa kasong droga?’’

‘‘Bakit ba sila-sila lang ang nanghuli kay Li?’’ tanung ng kuwagong mangungurakot.

‘‘Iyan ang hindi natin alam.’’

‘‘Bakit si Teddy ang inginusong parang pumatong kay Li?’’

‘‘Sa palagay ko naghanap lang ng damay.’’

‘‘Abangan natin ang resulta ng imbestigasyon tungkol dito, kamote.’’

AL FERNANDEZ

ASSOCIATE COMMISSIONER

BAKIT

CHIEF KUWAGO

COMMISSIONER FERNANDEZ

COUNCILOR BETH DELARMENTE

DEPUTY COMMISSIONER

FAIZAL HUSSEIN

SABADO

TEDDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with