EDITORYAL - Linisin muna ang kapulisan
July 8, 2004 | 12:00am
KUNG mayroon mang dapat unahin ang bagong lagay sa puwestong si Angelo Reyes, iyan ay ang pagkayos sa mantsang nasa uniporme ng mga pulis. Maraming mantsa ang nakakulapol na naging dahilan para katakutan at mawalan ng tiwala ang taumbayan. Nagkaroon ng tinawag naming "parakphobia" ang mamamayan sapagkat sa halip na tumulong at magprotekta ang mga pulis sa mamamayan sila ang nagiging bantay-salakay. Ngayon ay hindi masisisi ang taumbayan na hindi na sila humihingi ng tulong sa mga pulis sapagkat wala na silang tiwala.
Karaniwan nang maririnig ang pang-aabuso ng mga pulis. Hindi naming nilalahat pero mas nakakalamang na yata ngayon ang mga bugok na pulis kaysa sa mga mabubuti. Marami ang umaabuso sa tungkulin. Nakapagsuot lang ng uniporme ay umakyat na ang yabang sa utak at naging makati na ang hintuturo sa gatilyo.
Ang puspusang paglilinis ni Reyes sa Philippine National Police (PNP) ang dapat niyang unahin. Isantabi na muna niya ang pag-legalized sa jueteng. Mas mahalaga ang paglilinis sa kapulisan sapagkat nasa panganib ang mamamayan kung mananatili sa puwesto ang mga bugok. Basagin ang mga bugok at maaaring mahawa pa ang mabubuting itlog.
Maraming miyembro ng kapulisan ang sangkot sa mga karumal-dumal na krimen. Karamihan pay mga bagitong pulis o bagong graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA). Mga PO1 o PO2 lang ay mahahaba na ang sungay at may mga pangil na. Masyadong makakati ang hintuturo sa gatilyo at walang patumangga kung bumaril na parang namamaril lamang ng manok.
Hindi lamang iyan, mas matindi na marami ring mga pulis ang sangkot sa droga. Gaano na karaming pulis ang kakutsaba ng mga drug traffickers? Gaano na karami ang mga pulis na nagtutulak at gumagamit ng shabu? Gaano na karaming pulis ang nagtatanim ng shabu sa kanilang makursunadahan at saka pasusukahin ng pera? Gaano na karami ang mga pulis na ginagawang "shortcut" ang pagresolba sa krimen kaya nauso ang salvaging?
Maraming problema sa PNP. Ni hindi nabawasan ang problema rito sa tatlong taong pag-upo ni dating DILG Sec. Jose Lina. Kung ang jueteng nga ay hindi man lamang niya nagalaw, mas lalo pa ang mga bugok na pulis. Hindi dapat magpatumpik-tumpik si Reyes sa paglilinis sa PNP. Kailangang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa lalong madaling panahon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest