^

PSN Opinyon

Iba pang masama nating ugali

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NOONG nakaraang Sabado ay naanyayahan akong manood ng Spiderman 2. Nabigyan ako ng ticket ni utol at sama-sama kaming nagtungo sa SM Mega Mall upang manood.

Ang schedule namin ay alas otso ng gabi pero excited ang mga bata kaya mga pasado alas sais ng pa lang ay nandoon na kami. Naglakad-lakad muna kami, nagmeryenda ng mabilisan bago kami tumungo sa sinehan kung saan naka-schedule ang tickets na binigay sa amin.

Mga 7:30 ng gabi bumalik na kami roon at nakipila na dahil may konti ng pila sa lugar. Ilang mga nais ding panoorin ang naturang palabas.

Hindi nagtagal ay humaba na ang pila at sa totoo lang nakakainip din, lalo na ang maraming mga batang hindi mapakali at hirap na hirap tumayo nang matagal sa kanilang puwesto.

Tayo naman, naisipan nating mag-obserba. Isang paraan ito para hindi tayo mainip pero hindi lang pala kainipan ang ating madarama kung hindi kaasaran. Pahaba kasi nang pahaba ang linya pero nahahalata natin na marami ng sumisingit. Kanya-kanya silang palusot na kesyo kasama raw sila at pinapila lang nang mas maaga.

Pero parehas ba yong isa ang nakapila tapos mga anim o pito at merong pang sampu ang sisingit dahil pinila raw sila noong nag-iisang yon.

Meron namang sisingit na lang bigla at komo mas mataas ang katayuan sa buhay o di kaya’s kilala noong ibang sumusunod na boss o sikat sa industriya nila ay palulusutin na lang.

Ilan naman ay papasok deretso sa sinehan at handa pa yatang abutan ng pera ang mga nagbabantay na empleyado ng naturang sinehan. In fairness sa mga nagbabantay, halatang pinalabas nila lahat at sinabihang dapat silang pumila.

Purihin nga pala natin sila, pati ang mga guwardiya kasi kahit paano ay may pasensiya sila sa mga matitigas ang ulo.

Sa wakas ay sumapit ang alas otso pero wala pa ring pinapasok hanggang napalabas lahat ang mga naunang nanood. A little past eight ay pumasok na kami kasama nila utol at mga bata. Takbuhan naman papasok, kasi free seating, parang mawawalan ng silya e sobra naman. Merong may dala pang mga masking tape at isang buong section ay didikitan at reserve raw para sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Komo maluwag naman, wala nang umangal at lahat ay nakaupo ng maayos. Ang sponsor naman ng naturang show ay masaya dahil puno at pagkatapos ng maikling speech, talagang maikli lang at pagbibigay ng premyo dahil may nakadikit na envelope sa ilalim ng silya ay umpisa na ang palabas.

Maganda at puno ng aksyon ang naturang pelikula. May parte ring nakakatuwa, nakakagulat at may love story pa.

Kaso habang nanonood ay hindi maiwasang makarinig ka ng mga nag-uusap na kapag nagsabay-sabay ang nalulunod ang dialogue sa movie. Tapos daragdagan pa ng mga tunog ng cell phone na kung ayaw sanang patayin ay ilagay man lang sa silent mode.

Pero okay pa rin dahil maganda naman talaga ang pelikulang nasabi at para nga sa akin better than Spiderman 1.

Pagbukas ng ilaw, yan ang panibagong problema. Unahan sa paglabas, may humahakbang sa silya. Konti lang naman ang diperensiya at hindi naman tatagal ng mahabang oras kung pila rin ang paglabas.

Tayo, pinabayaan natin lumabas muna ang karamihan pero ang kalat na makikita n’yo. Grabe, basura galing sa mga lalagyan ng pop corn, lata ng soft drinks, balot ng mga sandwiches at iba’t ibang sitsirya. Sobra, nakakahiya.

Mga simpleng bagay ang nakita nating pagkakamali natin. Mga bagay na kung hindi natin gagawin gaya ng singitan, panggugulang at pagpatay o pag-silent man lang ng cell phone ay mas gaganda ang ating panonood. Bakit hindi natin kayang sundin?

Masakit nito, lahat ng mga masasamang ugaling ito pinakikita natin sa ating mga anak at apo. Hindi ba tutularan nila lahat yan ibang araw. Nakalimutan na ba natin na dapat turuan natin sila ng tama, pero tama ba ang ginagawa natin na tiyak gagayahin nila. Kung ginagawa natin, bakit hindi ng mga bata, yan ang kanilang iisipin.

Sa ibang bansa, sumusunod tayo. Sa lugar na alam nating patutupad ang tama sumusunod rin tayo. Pero bakit pag tayo-tayo ang magkakasama, lalo na rito sa sarili nating bayan ay lagi tayong nagmamatigas. Pinatutunayan ba nating siga tayo at matapang o baka naman ugali na talaga natin.

Mga kababayan, maliliit na bagay ho yan pero lumalaki dahil naging ugali na natin at susundin pa ho ng ating mga kabataan. Tandaan ho nating lahat, ang pagbabago ay nag-uumpisa sa atin. Kung gusto nating maging maunlad at maayos ang kinabukasan natin, lalo na ng ating kabataan ngayon pa lang ay ayusin na natin.

Kayo mga kaibigan ano sa palagay n’yo, tama ba tayo o mali. Dapat ba nating baguhin yan. Text lang ng sagot sa 09272654341
* * *
* * * Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

LANG

MEGA MALL

NAMAN

NATIN

NATING

PERO

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with