Ang Mesiyas
June 23, 2004 | 12:00am
ALAM na alam ni Jesus na siya ang Mesiyas. Siya ay sinugo ng Ama upang tubusin ang sangkatauhan. Ang hindi maintindihan ng mga alagad niya ay ang Mesiyas ay maghihirap o magpapakasakit. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit at kamatayan, si Jesus ay maluwalhating mabubuhay na mag-uli. Ito ang daan ng kaligtasan. Wala nang iba pa. Ito ay malinaw na isinalarawan sa Ebanghelyo sa araw na ito (Lk. 9:19-24).
Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Jesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya ang mga ito, Sino raw ako ayon sa mga tao? Sumagot sila, Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong una, Kayo naman, ano ang sabi ninyo? tanong muli niya. Ang Mesiyas ng Diyos! sagot ni Pedro.
Itinagubilin ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag na huwag sasabihin ito kaninuman. At sinabi pa niya sa kanila, Ang Anak ng Taoy dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan ng mga punong saserdote at ng mga eskirba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay!
Sinabi niya sa lahat, Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.
Alam ni Jesus ang Pagka-Mesiyas niya. Alam niya na sa Jerusalem haharapin niya ang kanyang pagpapakasakit, kamatayan at pagkabuhay na mag-uli.
Para sa inyo na nakapanood ng pelikula ni Mel Gibson, The Passion of the Christ, mauunawaan ninyo ang dakilang pagpapakasakit na dinaanan ni Jesus upang tayong mga makasalanan ay iligtas. Nais din nating makibahagi sa krus ni Jesus. Anumang mga hirap o paghirap na ating daraanan maliit man o malaki matiyaga at buong tapang na babatahin natin ang mga ito para sa kaligtasan ng mundo ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended