Bobot hindi ka Santo!
June 19, 2004 | 12:00am
PATULOY ang mga sumbong na dumarating sa akin na nagpapatunay na hindi santo itong si SPO4 Arsenio Bobot Mangulabnan, ang naka-floating na kumpare ni Sr. Supt. Jovy Gutierrez, ang overstaying na hepe ng Makati City police. Panay kasi padala sa akin ng mga impormasyon, karamihan ay galing pa sa kapwa niya pulis na nagsasabing itong si Mangulabnan ay matalas sa pitsa at bukolero pa. Ang napili natin sa ngayon ay ang sumbong ng dating kasamahan ni Mangulabnan sa Task Force Jericho ng DILG Kung saan tumiba siya ng limpak-limpak na salapi at sa katunayan ay nakapagpatayo pa ng apat na pintong apartment at nakabili ng dalawang Honda Civic. He-he-he! Kaya pala nagpapatayan ang mga pulis natin para lang mapa-assign diyan sa Jericho na yan!
Si Mangulabnan pala ang kolektor noon ng Jericho sa Region 3. Pero ng mawala ang hepe niya, ipinagpatuloy niya ang ilegal na gawain niya kayat kamuntik na siyang ma-entrap. Mabuti na lang at may gumitna kayat hayun naabsuwelto siya. Nagpa-transfer si Mangulabnan sa SPD at doon naibenta niya ang isa sa kanyang kotse para may panggastos siya. Pero sandali lang at nakumbinsi na naman niya ang hepe niya sa SPD at gumawa siya ng sariling butas para kumita. Ang siste, binukulan niya ang hepe niya kayat itinapon siya sa Muntinlupa City. Pero hindi nagtagal doon si Mangulabnan at kinausap niya ang kumpare niyang si Gutierrez nga at lumipat siya sa Makati City. At doon nagsimula ang kalbaryo ng mga constituents ni Makati Mayor Jojo Binay. He-he-he! Mukhang ginawang gatasan ni Mangulabnan ang mga botante ni Binay no?
Inilagay kaagad ni Gutierrez ang kumpare niya sa anti-carnapping unit. Pero dahil nakitaan niya ng potential ang kanyang kumpare sa pera ba? inilipat siya ni Gutierrez sa AID-SOT nga, anang sumbong ng pulis-Makati. At doon na nagsimulang mamayagpag itong si Mangulabnan na ng sumunod na mga buwan ay panay Lacoste na ang mga suot na mga damit at jacket.
Alam ng nagsumbong na dating taga-Jericho na kung ang suweldo lang nila ang aasahan ni Mangulabnan, eh tiyak hindi ito makabili ng mamahaling damit tulad ng Lacoste nga. He-he-he! Baka may halong inggit lang itong mga sumbong laban kay Mangulabnan, di ba mga suki?
Ayon sa kapwa niya pulis, open secret na itong ginagawa ng grupo ni Mangulabnan ukol sa recycling ng shabu sa Makati City tulad ng sumbong ni Rosalie Geronimo alyas Betcha. Kaya lang inamin niya, na mahirap itong maebidensiyahan para gumapang sa korte nga at maipit itong bida natin. May suspetsa rin umano na itong grupo ni Mangulabnan ang nasa likod ng supply ng shabu diyan sa Makati City jail.
May mga preso kasi diyan na patuloy na nangangayayat at nauubos ang perang bigay ng pamilya nila dahil laganap pa ang supply ng droga. At nagsusulputan ang droga roon kapag dumalaw ang taga-AID-SOT sa mga kakilala nila, anang pulis Makati. He-he-he! Ano ba yan! Mukhang may demolition job na laban kay Mangulabnan ah, di ba mga suki?
Pero naniniwala itong pulis Makati na maabsuwelto itong si Mangulabnan sa mga kaso niya dahil sa maganda nilang relasyon ni Supt. Ronald Simon Sabug ng SPD. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest