NFA-EIPD Chief, sino 'yang "Kawatang" pinatago mo sa iyong kuwarto?
June 14, 2004 | 12:00am
NATIONAL Food Authority (NFA) Enforcement Investigation and Prosecution Division (EIPD) Chief Atty. Emil Adrion, makinig ka, nakatutok ang mata ng BITAG sa yo.
Ano ang iyong dahilan bakit hindi nyo binigyan ng summon si Francisco Dio matapos namin mahuli sa akto ang kanyang truck, nagbababa ng mga nakaw na bigas ng NFA sa pribadong warehouse na pag-aari ni Jimmy Pagulayan?
Pangungunahan na kita, huwag mong sasabihing hindi puwedeng isama si Francisco Dio sa kasong "diversion" (pagnanakaw) dahil hindi niya pag-aari yong truck? Kung kaya mong lusutan si NFA Administrator Arthur Yap, huwag mong gagawin sa akin.
Gusto ko lang tuwirin yang iyong "drawing" na imbestigasyon. Makakatulong ng malaki kung bibigyan kita ng kopya ng mga actual footages ng operasyon ng BITAG.
Makikita nyo kung papano "naghugas kamay" si Pagulayan, sa harap ng aming camera nagsalita na binili niya lang yong mga nakaw na TRDP (na mga bigas) kay Francisco Dio.
Maliban dito, nagmamakaawa yang hinayupak na kawatan sa akin. Pilit akong inaareglo huwag ko raw ipalabas sa TV yong mga footages na nakuha namin.
Aniya, hindi siya natatakot sa NFA at anumang imbestigasyon ng EIPD! Mas takot daw siya sa aming programa sa telebisyon ang BITAG. Ang gusto pang mangyari ni Dio, inamin niya mismo sa akin na si Zara ay tsuper niya lang. Walang kakayanang pinansiyal bumili ng sasakyan si Zara. Nakapangalan lang kay Zara pero si Dio pa rin.
Nag-iwan pa itong si Dio ng kanyang telepono sa akin para tawagan ko siya. Gusto niyang mangyari mag-usap kaming tatlo, ako, siya (Dio) at si Zara yong kanyang tsuper upang magkaayos.
Nais kong iparating sa yo Atty. Adrion, na kinakaladkad ni Dio yang iyong pangalan sa EIPD na malakas daw siya. Hindi lang ikaw, pati yong Assistant Regional Director na si Taco at yong dating manager ng South District na si Musngi.
Kaya naman pala tiba-tiba si Dio sa kanyang pagnanakaw. At yang lintek na si Rose Lucas, utusan daw ni Dio, pinatago nyo raw sa loob mismo ng iyong kuwarto, makaiwas lang sa mga imbestigador ng BITAG.
Baka naman sa ilalim ng iyong mesa mo pa pinatago? Tandaan mo, may mga mababait na "Hudas" diyan sa iyong tanggapan. Ang mga itoy naniniwala sa BITAG!
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, i-text, (0921) 3193764 / (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"
Ano ang iyong dahilan bakit hindi nyo binigyan ng summon si Francisco Dio matapos namin mahuli sa akto ang kanyang truck, nagbababa ng mga nakaw na bigas ng NFA sa pribadong warehouse na pag-aari ni Jimmy Pagulayan?
Pangungunahan na kita, huwag mong sasabihing hindi puwedeng isama si Francisco Dio sa kasong "diversion" (pagnanakaw) dahil hindi niya pag-aari yong truck? Kung kaya mong lusutan si NFA Administrator Arthur Yap, huwag mong gagawin sa akin.
Gusto ko lang tuwirin yang iyong "drawing" na imbestigasyon. Makakatulong ng malaki kung bibigyan kita ng kopya ng mga actual footages ng operasyon ng BITAG.
Makikita nyo kung papano "naghugas kamay" si Pagulayan, sa harap ng aming camera nagsalita na binili niya lang yong mga nakaw na TRDP (na mga bigas) kay Francisco Dio.
Maliban dito, nagmamakaawa yang hinayupak na kawatan sa akin. Pilit akong inaareglo huwag ko raw ipalabas sa TV yong mga footages na nakuha namin.
Aniya, hindi siya natatakot sa NFA at anumang imbestigasyon ng EIPD! Mas takot daw siya sa aming programa sa telebisyon ang BITAG. Ang gusto pang mangyari ni Dio, inamin niya mismo sa akin na si Zara ay tsuper niya lang. Walang kakayanang pinansiyal bumili ng sasakyan si Zara. Nakapangalan lang kay Zara pero si Dio pa rin.
Nag-iwan pa itong si Dio ng kanyang telepono sa akin para tawagan ko siya. Gusto niyang mangyari mag-usap kaming tatlo, ako, siya (Dio) at si Zara yong kanyang tsuper upang magkaayos.
Nais kong iparating sa yo Atty. Adrion, na kinakaladkad ni Dio yang iyong pangalan sa EIPD na malakas daw siya. Hindi lang ikaw, pati yong Assistant Regional Director na si Taco at yong dating manager ng South District na si Musngi.
Kaya naman pala tiba-tiba si Dio sa kanyang pagnanakaw. At yang lintek na si Rose Lucas, utusan daw ni Dio, pinatago nyo raw sa loob mismo ng iyong kuwarto, makaiwas lang sa mga imbestigador ng BITAG.
Baka naman sa ilalim ng iyong mesa mo pa pinatago? Tandaan mo, may mga mababait na "Hudas" diyan sa iyong tanggapan. Ang mga itoy naniniwala sa BITAG!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am