^

PSN Opinyon

Bahay ng police colonel pinasok ng mga kawatan, nagluto, kumain at umebak sa sala

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang pinagnakawan at binaboy pa ng mga magnanakaw ang bahay ng isang opisyal ng pulisya?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Antonio Modesto Aquino ng Autohaus BMW; VW Rufino Arias Jr., Joy Zarate ng MBC; Araceli Silva ng DENR; Marian Catedral at Peter Ungson ng Caltex.
* * *
Alam n’yo bang pati bahay ngayon ng opisyal ng Philippine National Police ay nilooban at pinagnakawan na rin?

Ayon sa aking bubuwit, hindi niya maintindihan kung alam ng mga magnanakaw na bahay ng pulis ang kanilang pinagnakawan o hindi. Kasi, hindi lamang pinagnakawan ang bahay ng police officer, ito ay binaboy pa.

Wala kasing tao sa bahay ng police officer kaya nagtagal pa ang mga magnanakaw sa naturang bahay. Siguro ay na-background check ng mga suspects na walang tumatao sa bahay ni Sir.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, gabi nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ng police officer. Dahil walang tao sa bahay, ang ginawa ng mga suspects ay nagluto pa. At ang nakakalungkot na parte rito, sinadya pang bastusin ng mga suspects ang bahay ng police officer.

Ang ginawa ay umebak pa ang mga ito sa loob ng bahay, Umebak sila, hindi sa loob ng comfort room kundi sa gitna ng sala ng bahay.

Mga walanghiya ang mga hinayupak na magnanakaw!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil tumae pa ang mga suspects sa sala ng bahay ng police officer, may hinala ang mga imbestigador na matindi ang galit ng mga magnanakaw sa opisyal ng PNP.

Dahil nakakahiya ang sinapit ng bahay ng police officer, hindi na inilagay sa police blotter ang report.

Inilihim na lamang ito. Kasabay nito ay nagpakalat siya ng mga tauhan upang imbestigahan kung sino ang responsable sa pagnanakaw at pag-ebak sa sala ng kanyang bahay.

Ayon sa aking bubuwit, ang police officer na may-ari ng bahay ng pinagnakawan at tinaihan pa ang sala ng kanyang bahay ay si…

Siya ay police chief ng isang malaking siyudad sa Mindanao. Siya ay si Col. D. as in Dinumihan ng Cotabato.

ARACELI SILVA

AYON

BAHAY

DAHIL

JOY ZARATE

MARIAN CATEDRAL

MR. ANTONIO MODESTO AQUINO

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with