^

PSN Opinyon

Pasukan na naman

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PASUKAN na naman sa darating na Lunes. May mga paaralang magbubukas sa June 7 at meron sa June 14. At kasabay ng school opening ang maraming problemang kinakaharap ng mga estudyante at mga magulang nila. Sa magulang haharapin nila ang mataas na tuition fees, miscellenous, uniforms, school bags, libro, notebooks, lapis, ballpen, at iba pa. Sa mga students naman ay ang kanilang orientation kabilang na ang adjustment nila sa mga bagong guro at kaklase. Maraming estudyante ang nabawasan ang allowance dahil sa dagdag ng pamasahe at iba pang bilihin.

Sa kaganapang ito ay muling matatambad ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap. Ang mga anak ng nakakariwasa ay nag-aaral sa exclusive and expensive schools. Kung hindi sila hatid-sundo ng kanilang sasakyan ay naka-school bus sila. Ang mga mag-aaral na anak-mahirap ay nakikipag-unahan sa pagsakay sa dyipni at bus at ang iba ay naglalakad patungong school para makatipid. Sa mga nag-aaral sa mga public schools problema nila ang kakulangan ng silid-aralan. Siksikan ang mga mag-aaral at baka meron pa ring nagkaklase sa ilalim ng puno.

vuukle comment

AARAL

ANAK

BUS

ESTUDYANTE

IBA

MARAMING

NILA

SCHOOL

SIKSIKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with