^

PSN Opinyon

Ang isyu sa recycle boshab sa Makati

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SANA huwag tantanan ang imbestigasyon kay SPO-4 Arsenio Mangulabnan, ang nasibak na bossing ng Drug Enforcement Unit sa Makati City Police.

Iniimbestigahan daw ito sa Southern Police District tungkol sa isyu ng droga. Si Arsenio ay ikinanta ng isang Rosalie ‘‘Betcha’’ Geronimo, isang preso dahil pinaiikut-ikot lang daw ng una ang mga boshab na nakukumpiska ng kanyang office. Kung totoo man malaking dagok ito sa mga lespiak. Tama ba, PNP bossing Jun Ebdane, Sir!

Habang pinagaganda ng PNP ang kanilang imahe sa publiko ay may mga bugok naman sumisira rito. Iba kasi ang mga rakpa sa Pinas basta pitsa ang usapan lumuluwa at nagbabaga ang mga mata ng mga kamote.

Matindi ang mga akusasyon kay Arsenio porke nasa ‘‘order of battle’’ raw ito sa SPD, PDEA at PNP sa Kampo Krame. Mabigat hindi ba? DILG Secretary Joey Lina, Your Honor!

Nakaututang dila ng mga kuwago ng ORA MISMO, si PDEA bossing Anselmo Avenido noong Linggo ng hapon sa Royal Tagaytay Country Club, Alfonso Cavite, tungkol kay Mangulabnan ang naging usapan.

Sabi ni Avenido, sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang SPD ang siyang nag-iimbestiga kay Mangulabnan dahil PNP ito pero kung duda sila sa resulta ng investigation ang PDEA ang papasok.

Monitoring at tagamasid lang kami pero kung… ibang usapan! Tiyak kami ang sosokpa.

‘‘Totoo kaya ang ikinalat na balita ni Betcha sa media?’’ tanong ng kuwagong pusher.

‘‘Kung totoo man o hindi dapat bigyan ng due process si Arsenio Mangulabhan,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Masyadong matin-di ang akusasyon ni Betcha.’’

‘‘Kaya siguro sinibak si Arsenio sa DEU,’’ anang kuwagong lango sa droga.

‘‘Eh, ano naman ang papel ng PDEA sa imbestigasyon?’’ tanong ng kuwagong sepulturero.

‘‘Sa ngayon monitoring sila sa SPD’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Paano kung magkawindang-windang ang imbestigasyon?’’

‘‘Tiyak pasok ang PDEA.’’

‘‘Kapag pumasok ang PDEA ano ang mangyayari?’’

‘‘Iyan ang abangan mo, kamote! He-he-he!

ALFONSO CAVITE

ANSELMO AVENIDO

ARSENIO

ARSENIO MANGULABHAN

ARSENIO MANGULABNAN

BETCHA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

JUN EBDANE

KAMPO KRAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with