Nagmamakaawang "kawatan" ng NFA rice sa akin
May 31, 2004 | 12:00am
DALAWA sa mga kilalang middleman ng National Food Authority (NFA) South District ang nahulog na sa aming BITAG. Ang mga itoy "notorious" sa rice diversion.
Naunang nahulog sa aming patibong si Sofia Guzman, nasampahan ng kasong kriminal ng NFA Enforcement Investigation Prosecution Division (EIPD) sa kasong rice diversion.
Eksklusibong sa BITAG lamang naipalabas ito dalawang buwan ng nakalilipas ang estilo ni Sofia kung papano "magnakaw" ng mga Targeted Rice Develop- ment Program (TRDP) o mga bigas ng NFA para sa mga mahihirap.
Nitong nakaraang Huwebes, isang kawatan na naman ang nahulog sa aming patibong. Katribu rin siya ni Sofia sa NFA South District na si Francisco Dio.
Huli sa akto habang binababa ng mga pahinante yong mga nakaw na TRDP rice sa warehouse ni Jimmy Pagulayan sa Maricaban Pasay City.
Kinabukasan, Biyernes tumawag agad si Dio sa BITAG headquarters, lingid sa kanyang kaalaman naka-taped yong aming pag-uusap sa telepono habang nakaharap ako sa aming camera.
Naipalabas na ito sa BITAG nitong nakaraang Sabado. Tatlong araw namin sinurveillance at sinundan ang truck na pag-aari ni Dio.
Ang malaking pagkakamali ni Dio, sinubukan niya akong aregluhin huwag ko raw ipalabas sa BITAG yong mga footages na nakuha namin naiipit sa kanya.
Mapapanood ngayong darating na Sabado sa BITAG, ang pag-uusap namin ni Dio sa telepono, gusto niya raw akong maging matalik na kaibigan. Nagmamakaawa na kung maari susundan niya ako hanggang sa Davao.
Sa iba pang mga miyembro ng sindikato ng NFA rice, mensahe ng BITAG, "hindi namin kayo titigilan!"
Pagmasdan ang terminolohiyang aking ginamit. Ayaw kong isipin nyong ginaga- ya ko yong pikon sa TV na kilala sa kanyang salitang, "hindi namin kayo tatantanan." Tsk.. tsk.. tsk..
Bitag hotline numbers, para sa mga naabuso, naaapi, at biktima ng panloloko o anumang uring katiwalian, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"
Naunang nahulog sa aming patibong si Sofia Guzman, nasampahan ng kasong kriminal ng NFA Enforcement Investigation Prosecution Division (EIPD) sa kasong rice diversion.
Eksklusibong sa BITAG lamang naipalabas ito dalawang buwan ng nakalilipas ang estilo ni Sofia kung papano "magnakaw" ng mga Targeted Rice Develop- ment Program (TRDP) o mga bigas ng NFA para sa mga mahihirap.
Nitong nakaraang Huwebes, isang kawatan na naman ang nahulog sa aming patibong. Katribu rin siya ni Sofia sa NFA South District na si Francisco Dio.
Huli sa akto habang binababa ng mga pahinante yong mga nakaw na TRDP rice sa warehouse ni Jimmy Pagulayan sa Maricaban Pasay City.
Kinabukasan, Biyernes tumawag agad si Dio sa BITAG headquarters, lingid sa kanyang kaalaman naka-taped yong aming pag-uusap sa telepono habang nakaharap ako sa aming camera.
Naipalabas na ito sa BITAG nitong nakaraang Sabado. Tatlong araw namin sinurveillance at sinundan ang truck na pag-aari ni Dio.
Ang malaking pagkakamali ni Dio, sinubukan niya akong aregluhin huwag ko raw ipalabas sa BITAG yong mga footages na nakuha namin naiipit sa kanya.
Mapapanood ngayong darating na Sabado sa BITAG, ang pag-uusap namin ni Dio sa telepono, gusto niya raw akong maging matalik na kaibigan. Nagmamakaawa na kung maari susundan niya ako hanggang sa Davao.
Sa iba pang mga miyembro ng sindikato ng NFA rice, mensahe ng BITAG, "hindi namin kayo titigilan!"
Pagmasdan ang terminolohiyang aking ginamit. Ayaw kong isipin nyong ginaga- ya ko yong pikon sa TV na kilala sa kanyang salitang, "hindi namin kayo tatantanan." Tsk.. tsk.. tsk..
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am