^

PSN Opinyon

Peter Mutuc vs Ombudsman

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI natin ang grupo ni Ka Eddie Castillo ng Seagulls Flight Foundation Inc., ang nangungunang drug rehabilitation center sa Pinas. Nawa’y ipagpatuloy ninyo ni Jerry Yap, SSFI consultant at Director ng National Press Club ang inyong magandang hangarin para sa mga drug dependents na humihingi ng tulong para bumalik sila sa panibagong buhay. Mabuhay kayo!

Kambiyo isyu, DISMISSED from the service ang hatol na ibinaba ng tanggapan ng OMBUDSMAN laban kay Peter Mutuc!

Pineke kasi ni Mutuc ang kanyang scholastic credentials sa University of the Philippines. Sa tatlong pahinang desisyon ni Felix Baldonado, graft investigator at prosecuting officer ng Ombudsman, si Mutuc, assistant general manager for Airport Security and Inspectorate Office (ASIO) ay napatunayang nagkasala ng dishonesty.

Ibinase ni Baldonado ang kanyang desisyon sa mga ebidensiyang iniharap ng prosecution laban kay Peter, na hindi naman nito pinabulaanan.

Nagsumite kasi si Mutuc ng kanyang Personal Data Sheet (PDS) noong 1992, 1993, 1998 at 2001. Nakasaad dito na siya ay nag-aral sa University of the Philippines simula noong 1966 hanggang 1970 at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Political Science. Nang himayin ng Ombudsman, napatunayang hindi pala sumokpa si Mutuc sa UP.

Pinatunayan ni Ludendorfo Decenteceo, registrar ng UP na nagsabing walang record of enrollment si Mutuc. Sabi ng mga urot sa UP-ian ng lata pala ito nag-enroll.

Dumepensa si Mutuc, sa Ombudsman na bagamat hindi siya talagang nag-aral sa UP, ang kanyang pagsisilbi ng mahigit 10 taon sa NAIA bilang assistant general manager for security and emergency services ay sapat na upang ma-compensate ang kanyang kakulangan sa edukasyon.

Sabi ni Baldonado, ‘‘Dishonesty is a ground for disciplinary action under Sec 46[b] of the Civil Service Law, and unjustified statements in the personal data sheet in connection with employment in the government service constitute PERJURY. And the premises considered we find the respondent Peter Ferrer Mutuc guilty as charged. It is recommended that MUTUC, be DISMISSED from the service.’’

‘‘Ang tindi pala ng ginawa ni Mutuc?’’ anang kuwagong kamoteng nakaluhod sa may simbahan ng Baclaran.

‘‘Kaya naman dismissed ang desisyon ng Ombudsman sa kanya,’’ sagot ng kuwagong buwang.

"Niloko kasi niya ang gobyerno?’’

‘‘Dapat sigurong ibalik nito ang lahat ng kinita o suweldo niyang nakuha sa government,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Teka! May apila pa si Mutuc sa korte.’’

‘‘Dapat lang para may due process,’’ natatawang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano nga pala ang reaksyon ng mga employees sa NAIA, sa nasabing desisyon?’’

‘‘Mukhang nagtatalunan sa tuwa ang mga kamote!’’

vuukle comment

AIRPORT SECURITY AND INSPECTORATE OFFICE

BACHELOR OF ARTS

BALDONADO

CIVIL SERVICE LAW

DAPAT

FELIX BALDONADO

JERRY YAP

KA EDDIE CASTILLO

MUTUC

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with