^

PSN Opinyon

'KFC chicken fillet' (wala ng laway)

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NUNG NAKARAANG ARAW NAISULAT KO DITO AT TINANONG KO KAYO KUNG NAPANOOD N’YO NA BA YUNG BAGONG ADVERTISEMENT SA TELEBISYON NG KFC CHICKEN FILLET?

Talaga po naman nagdagsaan ang mga comments tungkol sa advertisement na ito. Mga negative comments at sumasang-ayon sa pagbatikos ng inyong lingkod sa bago nilang advertisement.

Karamihan nagsasabi ng, "akala ko ako lang ang nakapansin. Mabuti na lang po at pinuna n’yo ito. Kasi hindi magandang example para sa mga kabataan at pati ang mga anak ko ngayon ay ginagaya ang advertisement na ito sa halip na ipairal ang mabuting asal."

Upang sariwain ang commercial na ito, ganito ang dating.

Dalawang magkaibigan ang nag-uusap. Yung isa na may dalang Chicken Fillet sandwich at ipapakita sa kanyang kaibigan. "Tingnan mo ito, bago sa KFC, Chicken Fillet. May real chicken na, may lettuce, may pepper mayo pa…Gusto mo? Sagot nung kaibigan na parang gustong tikman…"Oo ba!" Ang ginawa nitong lalakeng may hawak ng sandwich, DINILAAN NG PATAAS AT PABABA YUNG SANDWICH. Pinuno ng laway. Umiinom yung isang guy ng ice tea. Nauhaw yung lalakeng may KFC Chicken Fillet. Nagtanong kung pwedeng makiinom. Ginawa nung isa, hinipan yung straw, pinabula yung ice tea para mapuno ng laway.

Nang hingin ko ang comments ninyo, walang tigil ang pagpasok. (maski hanggang ngayon.) Hindi mabilang. Mas marami pa sa mga comment nung isa kong isinulat SI FPJ SA 2004.

Ipinarinig n’yo ang inyong opinion. Dumagundong. Maski na sa aking email, maraming ina, ama at pati mga lolo at lola ang nagpadala ng kanilang comments. Ipinablish po natin ang ilang lamang. Hindi kasya ang lahat.

Nanawagan tayo sa mga namamahala ng KFC at lalo na sa Advertising Agency na nasa likod n’yong kasuka-sukang adverstisement.

Nag-iwang tayo ng huling salita. "Kung hindi nila tayo papansinin, di huwag na lang tangkilikin ang KFC."

Kahapon nakita ko na pinull-out yung advertisement ng Chicken Fillet Laway na yan. Pinalitan ng dalwang bago. Wala ng laway.

Kwela ang dating ng advertisement. Makikita natin na ang approach is to create the desire to procure the product. This is best illustrated as the guy tells his friend, a girl and another guy, eh, di bumili ka!"

Hindi ko naman inaangkin na tayo ang dahilan kung bakit tinanggal yung advertisement na yan. Subalit nauna tayong pumuna niya. Kung meron mang pumunang iba, mabuti naman. Para naman sa kapakanan ng nakararami.

Nais ko ring i-commend ang management ng KFC Chicken, pati na rin ang advertising company sa likod nito for being sensitive to the clamor of the public. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at tinugunan ang inyong mga reaksyon. Nagpapatunay lamang na mahalaga tayo para sa kanila.

Tama rin siguro yung sinasabi nila sa bagong advertisement, "ibang klase talaga." Bakit ko sinasabi na "sensitive sila sa opinion nating lahat?"

Simple lamang. Maari naman nilang hindi tayo pansinin at patuloy na ipalabas yung advertise ng Chicken Laway na yan. Maari din silang magmatigas at sabihin na gumastos sila sa advertisement na yun. Maaari nilang gayahin ang advertisement nung Kinse años na advertisement ng Napoleon Brandy ng Distelleria Limtuaco at pinatagal pa ng pagkahaba-haba tatanggalin din pala. But not after bleeding all the media mileage they can get from the controversy. They thrived on the controversy that the advertisement was getting. So much so, hindi na nila kinailangan na maglabas ng television advertisement. Duda ko, hindi naman talaga pakay na maglabas ng TV ad dahil makikisakay na lamang sila sa mga reaksyon ng tao. Hindi ba’t coutdoor at radio advertisement lamang ang nakita natin?

Ano naman ang pakialam ko sa mga taong gustong uminom ng alak at sunugin ang kanilang atay at ano pang vital organs? Matanda na sila. Alam na nila ang kanilang ginagawa. Subalit iba ang advertisement ng KFC Chik N’ Fillet. All ages and sexes ang kanilang target marget. Mabuti na rin at kumilos sila dahil kung ang pagbabatayan ko ang mga opinion ninyo, babagsak ang kanilang sales.

Personally, ako at ang aking dalawang anak mahilig kumain ng KFC Chicken Subalit, panandaliang nahinto ito dahil sa "displeasure" na dulot ng kanilang laway advertisement. Dapat paluin sa kamay ang Creative Director ng Ad-Agency na yun (sino man yun?) para sa pagkagawa nung "offensive advertisement na yun."

Subalit ang lahat ng ito ay tapos na. "We just have to move on to get ahead. Kung hindi, we’ll be stuck on this matter."

Kasabay ng aking pag-commend sa mga tao sa likod ng advertisement na yun dahil pinalitan agad, ang aking lubos na pasasalamat sa mga nagpadala ng kanilang opinion through text messaging, tawag sa telepono at padala ng email.. MARAMING SALAMAT SA INYO!

PARA SA ANUMANG KARAGDAGANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

ADVERTISEMENT

ADVERTISING AGENCY

CHICKEN

CHICKEN FILLET

KFC

SUBALIT

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with