^

PSN Opinyon

Statesmanship ni FPJ nawasak !

- Al G. Pedroche -
PINURI ko sa nakaraan nating kolum si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. nang manawagan siya sa kanyang mga supporters bago mag-eleksyon na igalang ang resulta ng halalan at suportahan ang sino mang mahahalal na Pangulo. Ito’y talagang onerous act of statesmanship. Nag-aakusa kasi ang administrasyon na gagawa ng akto ng karahasan ang oposisyon sa sandaling matalo si Poe at ang ganyang pahayag ay sasalungat sa naturang akusasyon.

Pero ano’ng nangyari sa statesmanship na ito? Biglang gumuho. Ang mga sinasabi pala ni Poe ay walang sinseridad. Kinabukasan pagkatapos ng eleksyon noong Mayo 10, humirit na sa telebisyon si FPJ. Sa isang madaliang presscon ay binatikos na niya ang Malacañang sa aniya’y paggamit ng pera at pananakot upang baligtarin ang resulta ng eleksyon. Pati media ay pinatutsadahan ni Poe na nagpapagamit para pumabor kay Presidente Arroyo ang resulta ng halalan. Sabi niya sa media "ilathala ninyo ang totoo." Malinaw na ang ibig sabihin ni Poe sa kanyang pananalita ay sinungaling ang media sa pangkalahatan.

Hindi pa naman tapos ang bilangan. Ilang oras pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng eleksyon ay umiiyak na si Poe nang "pandaraya." It’s too early to say kung sino ang panalo sa halalang ito Mr. Poe kaya huwag ka munang umatungal at makasisira sa pagkatao mo ang ganyan. Ang gawin ninyo sa KNP ay ihanda ang mga ebidensya ng pandaraya at magharap ng reklamo sa COMELEC. Hanggang sa Korte Suprema kung kinakailangan. Iyan ang tamang pakikipaglaban.

Kung walang ebidensya, maituturing lang kayong sour graping o umaatungal dahil talagang talo.

Kamakalawa ng gabi, nagtropa na sa Makati ang libu-libong supporters ni Poe sa pangunguna ng mga artista para kondenahin ang anila’y pandaraya ng administrasyon. Destabilizing ang epekto nito. Hindi makabubuti sa bayan.

vuukle comment

BIGLANG

FERNANDO POE

HANGGANG

ILANG

IYAN

KORTE SUPREMA

MR. POE

POE

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with