^

PSN Opinyon

Nagkaisa ang magkakalaban

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
ANG sarap pala ng pakiramdam kung nakikita na ang mga lider ng ating bansa ay nagkakaisa. Nagngingitian, nagkakamayan at paminsan-minsan ay nagbubulung-bulungan. Ganyan ang nasaksihan ko noong isang araw nang magsama-samang dumalo ang limang presidentiables na sina Gloria Macapagal-Arroyo, Ping Lacson, Raul Roco, Fernando Poe, Jr. at Eddie Villanueva.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pumayag na magtabi-tabi ang limang kumakandidato sa pagka-pangulo sa misa ng pagkakaisa na ginanap sa St. Augustine Church sa Intramuros na pinangungunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Rosales. Hindi naman ito nagpaliguy-ligoy sa kanyang pangangaral at deretsuhang pinaalalahanan ang lahat na gawin lamang ang kung ano ang nararapat upang maging malinis ang darating na eleksyon.

Napakaganda ng layunin ng unity mass. Nakatulong ang nasabing pagtitipon upang ika nga ay pasingawin ang pamumuno ng masamang hangin na unti-unti nang nakukulob. Nasa mga presidentiables na ang susunod na mga hakbang upang magbigay ng magandang halimbawa sa kanilang mga taga-suporta na ang sundin lamang ay kung ano ang makakabuti sa bansa at mga mamamayan.

Hindi na mapakali ang taumbayan sa mga kumakalat na balita na maaaring magkagulo sa eleksyon na ito. Kinukondisyon na ng oposisyon na hindi nila tatanggapin ang resulta ng eleksyon kapag natalo sila sapagkat igigiit nilang sila ay dinaya ng administrasyon sa tulong ng Comelec. Siyempre, itatanggi ito ng mga taga-administrasyon kahit na saan pa makarating. So, ano ang mangyayari, Gulo.

May kumakalat ding mga balita na diumano ay baka magkaroon ng martial law kapag nagsimula ng gulo ang oposisyon o mga kalaban ng administras-yon. Kapag naganap ito, sino ang talo, siyempre, ang bayan natin. Kaya tamang-tama ang itinanghal na pagkakaisa ng mga presidentiables. Sana nga ay hindi lamang pakitang-tao ang ipinakitang pakikipag-isa ng mga ito.

Sana naman ay magpakatotoo kayo. Responsibilidad ng bawa’t isa sa inyo ang gawing malinis ang eleksyong hinaharap at tanggapin ang kalalabasan nito.

vuukle comment

COMELEC

EDDIE VILLANUEVA

FERNANDO POE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO ROSALES

PING LACSON

RAUL ROCO

SANA

ST. AUGUSTINE CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with