^

PSN Opinyon

Maayos na halalan, tungkulin ng lahat

SAPOL - Jarius Bondoc -
IRESPONSABLE ang payo nitong presidential candidate na magdala raw ng dos-por-dos sa presinto. Ito’y para daw huwag hadlangan ng kalaban sa pagboto, at para masiguro na mabibilang ang boto.

Nais ng kandidatong ‘yun na magkagulo sa presinto, para hindi matuloy ang halalan. Nangungulelat kasi siya sa surveys. Alam naman nating uri ng terorismo ang pagdadala ng sandata sa presinto. Bawal ito.

Ang dapat dalhin sa presinto ay lapis or ballpen, para kung kulang ang paraphernalia ng Comelec, handa pa rin tayo. Dapat din magdala ng mabisang uri ng ID card–driver’s license, passport o company ID–lalo na kung hindi dumating sa koreo ang pinangako ng Comelec na voter’s ID. Ito’y para may pagkikilanlan kung sakaling tanungin. At siyempre, para mabilis ang pagboto, dapat ay may kodigo na ng mga pangalang balak isulat. Kasi, sa gulo, baka makalimutan o walang nakapaskel na listahan sa presinto.

Kung sasali tayo sa bilangan, dapat din magbaon ng meryenda at tubig. Baka kasi abutin nang siyam-siyam ang proseso. Magdala rin ng flashlight, at baka mawa-lan ng kuryente dahil sa dayaan o sa overloaded elec-trical outlets. Siyempre, mabuti nang may cellphone, para makatawag ng saklolo kung magkagulo. At camera na rin, para makunan ng retrato na ebidensiya sa nanggugulo.

Tungkulin ng botante–hindi lang ng kandidato o ng Comelec–ang maayos na halalan. Tungkulin nating i-record at i-report ang ano mang kalokohan. At tungkulin din nating ilahad ang kaayusan. Importanteng maipakita sa buong bansa kung malawakan o isolated ang pandaraya, at kung laganap din ang kalinisan.

May kandidato na ayaw ng maayos na halalan, dahil hindi nila mailulusot ang pandadaya. Meron namang mga puwersang nais ay gulo para maisulong ang kanilang rebelyon at terorismo. Meron ding Comelec officials na sisimplihan ang mga botante at papapanalunin ang nagsuhol sa kanila. Ipakita natin sa kanila na marami tayong matitinong botante.

vuukle comment

ALAM

BAWAL

COMELEC

DAPAT

IMPORTANTENG

KUNG

MERON

PARA

TUNGKULIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with