^

PSN Opinyon

Sariling lupa at bahay para sa pamilyang Pinoy

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA administrasyon ni President Arroyo, marami nang pamilya ang mga nabiyayaan ng house and lot sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya ng pabahay. Naging intensibo ang kanyang pagbibigay ng prayoridad sa adhikaing magkaroon ng sariling lupa at bahay ang bawat pamilyang Pilipino.

Isa sa mga prayoridad na proyekto nito ay ang pagbibigay ng lupa sa mga non-core properties ng Philippine National Railways sa mga nakatira na rito nang matagal nang panahon at mga kuwalipikadong benepisaryo dito.

Ang non-core properties ng PNR ay ang mga lupang hindi sakop ng mga kinalalagyan ng riles at hindi na gagamitin ng PNR para sa pangriles na serbisyo.

Noong nakaraang buwan, 400 pamilya ang nabiyayaan ng Certificates of Lot at indibidwal na kontrata sa pagbili ng mga lupang tinitirhan sa mga benipisaryo ng United Residents of Balabag Abandoned Lines Homeowner’s Association Inc. (UROBAL). Ipinagbibili ang lupa sa P1,100 per square meter kung saan ang UROBAL ay magbibigay ng 10 porsiyento sa kabuuang halaga bilang paunang bayad. Ang balanse ay babayaran naman sa loob ng 10 taon na walang pinataw na interes.

Ang lupang pinamigay ay may sakop na 3.9 hectares na dineklarang socialized housing site batay sa Executive Order No. 48.

vuukle comment

ASSOCIATION INC

CERTIFICATES OF LOT

EXECUTIVE ORDER NO

IPINAGBIBILI

ISA

NOONG

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PRESIDENT ARROYO

UNITED RESIDENTS OF BALABAG ABANDONED LINES HOMEOWNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with