^

PSN Opinyon

Bagong gamot na tumutunaw sa blood clots (Una sa 2 labas)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ISANG bagong gamot mula sa China na lumulusaw sa namumuong dugo (blood clots) na nagiging sanhi ng stroke ang ipinakikilala ngayon sa Pilipinas. Ito ay in capsule form at ang generic name ay lumbrokinase. Ito ang nag-iisang therapeutic supplement na bukod sa mahusay sa blood clots ay nagpapaganda pa rin ng sirkulasyon ng dugo. Mahusay din ang gamot na ito sa mga diabetes, hypertension, sakit sa puso, may mataas na cholesterol level. Mahusay din ito sa mga overworked people para labanan ang stress.

Ang lumbrokinase ay clot dissolving (thrombolytic) enzymes na kinuha sa mga cultured na bulate sa pamamagitan ng modernong biochemical engineering technology. Ang tatlong enzymes ay kinabibilangan ng collagenase, profibrinolysin activator at fibrinolysin (plasmin). Ang tatlong ito ang nagsasama para lusawin ang blood clots. Sa loob ng tatlong linggo nabubuo ang blood clot at nakapaloob sa collagen shell.

Ang outer shell ang tutunawin ng collagenase. Pagkaraang mabasag ang shell, ang fibrinolysin at profibrinolysin ang magpapatuloy para malusaw ang blood clot.

(Itutuloy)

vuukle comment

BLOOD

CLOT

CLOTS

ITUTULOY

MAHUSAY

PAGKARAANG

PARA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with