Sen.Barbers kailan mo tatapusin si Tikboy Garcia ?
May 2, 2004 | 12:00am
MAARING nagtagumpay si reelectionist Sen. Robert Barbers sa pakikipaglaban niya sa mga droga, terorismo at kriminalidad na kung tawagin niya ay mga salot ng lipunan natin. Pero sa isang salot na si Tikboy Garcia, na collector ng lingguhang intelihensiya ng Intelligence Group (IG) ng PNP ay nabigo siya. Wala tayong away kay Sen. Barbers. Sa katunayan, iboboto ko siya sa darating na Mayo dahil nga sa mga accomplishments niya sa pakikibaka sa droga, terorismo at kriminalidad, hindi lang sa Senado kundi noong pulis pa siya. Kahit sino ang makausap natin sa Manilas Finest ay walang pagtututol sa pagpatuloy ng serbisyo ni Barbers sa Senado dahil maganda ang inumpisahan niya, he-he-he! Hindi naman siguro mabigat kung hingin ko sa inyo mga suki na isama si Barbers sa listahan nyo ng 12 senador, di ba?
Nitong nagdaang survey, si Barbers ay umangat na sa ika-12 na mananalong senador. Pero hindi pa dapat magbunyi ang kampo niya habang patuloy na sinisira ng grupo ni Tikboy, na kinabibilangan nina SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David ang pangalan niya sa kalye, lalo na sa mga gambling lords. Hindi kasi maikaila ni Barbers na si Tikboy ay dating photographer niya. Pero maaring hindi niya alam na ginigisa ni Tikboy Garcia ang pangalan niya sa mga gambling lords nga. Katunayan nakabili na itong si Tikboy ng ari-arian sa Cavite, Bulacan at sa Tondo nga.
Subalit, nasaan na si Tikboy Garcia? Ang huling balita ko si Tikboy ay ipinatawag ni Barbers at mukhang nakatikim siya ng maanghang na mga salita. Ang balita ko pa ay nagkasakit nga raw itong si Tikboy Garcia matapos ang face-to-face meeting nila ni Barbers. Sa tingin ko naman, drama o pa-epek lang ni Tikboy itong sakit niya.
Natatandaan nyo ba mga suki na nagkasakit din itong si Tikboy nang mahuli ng mga bataan ni presidentiable Sen. Ping Lacson ng PAOCTF sa Tambacan St. sa Binondo dahil sa kasong extortion? Ilang buwan bang na-ospital itong si Tikboy para maiwasan niyang makulong?
Sa ngayon, balik uli si Tikboy sa gimik niya pero hindi natin kakagatin hanggang mapatawan siya ng kaukulang kaparusahan ni Barbers dahil sa paggamit ng pangalan niya. Habang nagpapagaling naman si Tikboy, ang mga bataan niya na sina Tiamzon, Timbang at David ay patuloy pa ring umiikot sa Metro Manila para ipangolekta ng intelihensiya ang opisina ni IG head Chief Supt. Ismael Rafanan. Hindi rin natitinag sa kanyang puwesto ang handler nila na si Supt. Erwin Robles, na hanggang sa ngayon ay wala pang nahuhuling rebelde ma-NPA man o MILF. Imbes na atupagin ang mga kriminalidad tulad ng KFR o bank robbers, eh pasugalan ang nasa isipan nitong si Robles, di ba mga suki? Maaaring nakaligtas itong si Robles sa mga mata ni Barbers dahil election period pa.
Pero kapag nanalo si Barbers, tiyak may kalalagyan siya dahil sa paggamit niya kay Tikboy Garcia na naglagay sa alanganin ng tsansa ng senador na manalo nga. Matunog noon ang pangalan ni Barbers at sa katunayan ay isa siya sa mga kandidato para maging running mate ni Presidente Arroyo. Pero sa isang iglap nawala ang ningning ng pangalan niya dahil kay Tikboy. Kailan mo tatapusin ang problemang dulot ni Tikboy, Sen. Barbers ha?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest