^

PSN Opinyon

Sagot ng Anglo European Services,Inc.

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
WALANG labis, walang kulang ilalathala ko ang kasagutan ng ANGLO EUROPEAN SERVICES, INC. sa naisulat kong kolum ‘nung April 14, 2004 na may pamagat na "Matagal nang kalbaryo ng mga OFW’s sa Iraq!."
* * *
14 April 2004

Dear Mr. Ben Tulfo,


Bilang kasagutan sa inyong kolum sa
Pilipino Star Ngayon (April 14, 2004) maari bang ituwid ang maling impormasyon. Isa-isahin natin:

1. Hindi pinamamahalaan ng mga "British National" ang Anglo European Services, Inc. Ito ay 100% kumpanyang pag-aari ng mga Pilipino at rehistrado sa Philippine Overseas Employment Administration, Department of Labor and Employment. Tatlumpu’t anim na taon ng nagseserbisypo ang kumpanyang ito at libu-libong kababayan natin ang nabigyan ng trabaho sa iba’t-ibang bansa. Ang Anglo European Services, Inc. ay isa sa mga pioneer manpower placement agencies with original license No. 01-001 na nakatulong sa pamahalaan para maibsan ang "unemployment situation" dito sa bansa.

2. Wala kaming natatanggap na daan-daang e-mail o sulat man lamang ng mga reklamo ng mga kababayan natin sa Iraq. Bagkus, mga liham ng pasasalamat o pagrerekomenda ng mga kamag-anak o kaibigan ng mga manggagawang naroon na sa Iraq ang aming natatanggap at wala ring sulat mula sa ating embahada sa Iraq o saan pa man.

3. Ang pasuweldo sa mga trabahador ay walang "delay". Maaring ang kumunikasyon lamang may "delay" subalit wala kaming report na nadi-"delay" ang mga suweldo.

4. May pinirmahang "agreement" ang mga tao na pag nag-resign o na-terminate sa maraming kadahilanan, sila na ang dapat magbayad ng pamasahe pauwi at wala naman silang binayaran sa agency at libre naman lahat sila. wala naman silang "repatriation bond" na sumasagot sa kanilang pag-uwi.

5. Kung tungkol sa kanilang libreng overseas call, dati, nung konti pa sila mayroon silang libreng 5 minutong tawag dalawang beses sa isang buwan. Ngayong umaabot na sila ng halos 4 na libo, hindi na kaya ng kumpanya ang libu-libong libreng tawag.

6. Hindi totoong hawak ng kumpanya ang kanilang pasaporte sapagkat pagdating nila sa destinasyon ticket lang ang kanilang kinukuha para itabi sa opisina. Dala-dala nila ang pasaporte nila at nakasabit sa kanilang bag. Ang kontrata naman ay puwede nilang hingin kung wala sila o gusto nila ng kopya.

Di namin masabi kung totoo o hindi ang mga sumbong sa inyo o gawa-gawa lang ng mga taong gustong manira sa aming kumpanya at ahensiya.

Mangyari lamang na ipadala sa aming kumpanya ang mga reklamo at sa ganon ay maaksiyunan.

Gayundin baka naman kami ang inyong pagbigyan na maisulat ang aming kasagutan sa inyong kolum.

Marami pong salamat!

Lubos na gumagalang,


ANGLO EUROPEAN SERVICES, INC.

Signed GILBERT

C. ARCILLA

General Manager

ANG ANGLO EUROPEAN SERVICES

ANGLO EUROPEAN SERVICES

BRITISH NATIONAL

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GENERAL MANAGER

MR. BEN TULFO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with