^

PSN Opinyon

PAGCOR,BITAG atbp., laban sa text scam

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MASIGASIG na nagpalabas ng babala sa publiko ang pamunuan ng PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR) sa pangunguna ng chairman nito na si Efraim Genuino, laban sa kumakalat na text scam.

Pinag-iingat ni Chairman Genuino ang lahat ng nagmamay-ari ng cellphone sa "patibong" ng sindikatong nasa likod ng text scam.

Ginagamit ng sindikato ang pangalan ng PAGCOR sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga congratulatory text messages sa kanilang mga bibiktimahin.

Kalimitan pinalalabas ng sindikato na nabunot ang kanilang cellphone number at sinasabing nanalo ang prospective victim ng halagang P500,000 hanggang P1 milyon kuno.

Kapag sinagot ng biktima ang congratulatory text messages upang i-claim ang kanilang napanalunan, dito naisasagawa ng sindikato ang kanilang modus operandi.

Hindi lang pangalan ng PAGCOR kundi pati na rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay ginagamit din ng sindikato upang mapaniwala ang kanilang bibiktimahin.

Kasalukuyan tinatrabaho na ng BITAG investigative team ang isa sa mga sindikatong ito. Bagama’t may kahirapan subalit sisikapin namin na mahulog ito sa aming nakahandang BITAG bago mag-Sabado.

Malaki ang maitutulong ng mga nagmamay-ari ng mga cellphone companies tulad ng Smart, Globe, atbp. sa pagsugpo sa kumakalat na text scam maging ang National Telecommunications Commission (NTC).

Napag-alaman namin na iniiwasan na ng sindikato ang paggamit ng mga bangko sa pamamagitan ng pag-uutos ng kanilang biktima na i-deposito sa kanilang bank account ‘yong ibabawas na tax "kuno" sa napanalunang halaga.

Pinupuntirya na ngayon ng mga sindikato ang mga sumusunod na mga kumpanyang ito, Western Union, RCPI at iba pang mga ka-network ng dalawang kompanyang ito sa kanilang text scam.

Panoorin sa BITAG ngayong Sabado sa IBC-13 ang buong detalye at sundan kung papano trinabaho ng grupo ng aming investigative team ang bawat hakbang na kinakailangan na mahulog sila sa aming patibong.
* * *
>"BITAG" hotline number para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL

CHAIRMAN GENUINO

EFRAIM GENUINO

KANILANG

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SABADO

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with