^

PSN Opinyon

Bicol jueteng alam ba ni GMA?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MASYADONG malalakas ang loob ng mga financer ng dayaan bolahan sa Camarines Norte hanggang Albay.

Alam daw ni Prez GMA ang nasabing operasyon?

Mukhang name droppers pa ang mga kamote!

Ang grupo ni Art Kabigtak at Alex Tang Ah, ang nagpapaikot ng operasyon ng dayaan bolahan sa Bicol partikular ang Camarines Norte.

Hawak ng mga ito ang Legaspi, Daraga, Tabaco, Tiwi, Guinobatan at Polangui.

Sina Tony Onggoy at Tom Arinula ang namamayagpag sa Albay.

Si Fering at Paning ang mga asong galisin ni Arinula pagdating sa kubransa ng dayaan bolahan.

Sa Camarines Norte ay may P3.5 million kubransa ang grupo ni Alex Tang Ah. Kapag nagka-problema ang operasyon si Art Kabigtak ang tumatakbo sa local at mga tulisan este mga corrupt na pulis pala!

Ang hindi maubos maisip ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay alam ng kaparian ang operasyon ng dayaan bolahan kaya dapat lang tuligsain nila ito.

Ika nga, paratingin nila sa tanggapan ni PNP bossing Jun Ebdane ang nasabing sugalan.

Palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay magwawala ang Palasyo sa puntong ito dahil pangalan ni Prez Gloria ang nakakaladkad.

Garapalan ang operasyon ng dayaan bolahan sa Bicol kung bakit hindi mapigilan ito ng LGU’s at PNP iyan ang malaking question mark.

"May pera kayang pinararating ang mga gambling lords sa mga awtoridad kaya walang tigil ang kubrahan ng dayaan bolahan sa Bicol?" tanong ng kuwagong taga-laot.

"Siguro bakit tahimik ang operasyon?" anang kuwagong maninisid ng tahong.

"Kapag nalaman ni Prez Gloria pati pangalan niya ay nakakaladkad tiyak dedbol sila," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan ang hintayin natin at paratingin."

"Hindi natin titigilan ang mga tirador ng dayaan bolahan sa Bicol dahil sanay daw silang mabanatan sa media."

"Burikiin natin ito."

"Dapat lang kamote."

ALBAY

ALEX TANG AH

ART KABIGTAK

BICOL

BOLAHAN

CAMARINES NORTE

DAYAAN

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with