^

PSN Opinyon

Housing Loan Restructuring Program ng Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAGANDANG balita para sa mga may kakulangan sa pagbabayad ng housing loan sa Pag-IBIG. Sa pagnanais ng administrasyon na matulungan ang pamilyang Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan binibigyan ng huling pagkakataon hanggang June 2004 ang mga nag-housing loan na may pagkukulang sa pagbayad na mag-apply ng loan restructuring.

Hindi kailangang ma-foreclose ang inyong lupa’t bahay kung kayo ay mag-avail ng loan restructuring para mapagaan ang inyong buwanang hulog o kaya’y mapatawad ang mga penalties na ipinataw sa inyong utang.

Sa pag-aaply ng Loan Restructuring, hindi kailangang maging miyembro ng anumang asosasyon. Ang Pag-IBIG Fund ay nagsisilbi sa mga indibidwal na miyembro kaya’t hindi ninyo kailangang sumali sa alinman grupo para mag-aply ng loan restructuring. Dalawang daang piso (P200.00) lamang ang processing fee. Mag-apply at magbayad ng direkta sa Pag-IBIG.

Para sa karagdagang impormasyon maaari kayong mag-apply ng personal o tumawag sa Suite 314,315 at 316, Third Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City (telephone number 830-0298, 848, 8069, 848-8297, 848-8289); Pacific Center Bldg., San Miguel Ave., Pasig City (tel. 634-6920, 637-5632; North Sector (634-8410, 637-5613, 637-5614) o sa inyong Pag-IBIG Regional Office.

Sana ay gamitin ang pagkakataong ito upang maayos ang inyong mga housing loan.

vuukle comment

ANG PAG

LOAN

LOAN RESTRUCTURING

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

NORTH SECTOR

PACIFIC CENTER BLDG

PAG

PASIG CITY

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with