^

PSN Opinyon

Halalan: Ganito noon,paano ngayon ? (1)

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG hinahalal lang nu’ng Panahon ng Kastila ay gobernadorcillo, parang meyor ng bayan, kasama ang teniente mayor (bise), juez de policia (hepe ng pulis), juez de ganados (tagapahamala ng hayupan) at juez de sementeras (tagapahala ng palayan). Ang alcalde mayor, katumbas ng gobernador ng probinsiya, ay hinihirang ng gobernador general na nasa Intramuros.

Principalia
lang ang bumoboto–ang nakaupong gobernadorcillo, capitanes pasados (dating gobernadorcillos), cabezas de barangay, cabezas reformados (dating sa barangay), at mga nakaupo at dating tenientes at juez. Lahat sila ay lalaki, may kaya, at may koneksiyon sa alcalde mayor o sa cura ng simbahan.

Sa Batangas, ayon sa mananaliksik na Prof. Glenn May ng Oregon University, taun-taon ang halalan, bandang Abril-Mayo. Mainitan ang mga labanan. Ang poder ng posisyon ay nagpapalawak din sa poder sa ekonomiya. Maaring pag-initan ng nakaupong gobernadorcillo ang mga kakumpetensiya, lalo na sa tubuhan. Maaring hindi niya ipagawa ang kalsada papunta sa lupain ng kalaban, o ipakulong dahil sa di pagbayad ng buwis o sa gagala-galang manok o kalabaw.

Bago pa man ang halalan, nagpapahayag na ang mga may balak tumakbo sa alcalde mayor at cura, na tagapamahala ng halalan. Bumubuo sila ng mga partido, at inuutusan ang mga trabahador na hikayatin o kaya takutin ang ibang taga-principalia na bumoto sa kanila.

Bawal ang malalaking gastusin. Pero sa saliksik ni Prof. May sa records sa mga simbahan sa Batangas, maraming mga protesta ang magkakalaban dahil sa pagpapakain at pagpapainom ng mga botante sa gabi bago ang halalan.

Sinusuri ng alcalde mayor at cura ang mga kandidato. Dapat kasi, may konting pinag-aralan man lang, di tulad ng karamihan ng mga indio na mangmang. At dapat ay may sapat na kayamanan. Sa saliksik ni Prof. May, 42 kandidato pagka-gobernadorcillo nu’ng 1890-1894 ay pina-disqualify dahil kulang sa yaman. (Itutuloy)

ABRIL-MAYO

BATANGAS

BAWAL

BUMUBUO

DAPAT

GLENN MAY

INTRAMUROS

OREGON UNIVERSITY

SA BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with