^

PSN Opinyon

Ang babaing nahuli sa pakikiapid

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PARA sa ikalimang Linggo ng Kuwaresma, ibinigay sa atin ni Juan ang kuwento tungkol sa babaing nahuli sa pakikiapid (Jn. 8:1-11).

Umuwi na ang bawat isa, ngunit si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinaumagaha’y nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya umupo siya at tinuruan ang mga ito. Noo’y dinala sa kanya ng mga Eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Jesus, "Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi mo?" (Itinanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya.) Ngunit yumuko si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Jesus at sinabi ang ganito, "Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa babaing ito." At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis ang mga tao. Walang naiwan kundi si Jesus at ang babaing nahuli sa pakikiapid. Tiningnan siya ni Jesus at tinanong: "Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?" "Wala po, Ginoo," sagot ng babae. Sinabi ni Jesus: "Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka at huwag nang magkasala."

Nais ng mga Eskriba’t Pariseo na mabitag si Jesus. Kung sumang-ayon siya na batuhin ang babae, si Jesus ay hindi tunay na maawain. Subalit kung sabihin naman niya na ang babae ay hindi dapat batuhin hanggang mamatay, maaari nila siyang akusahan sa harap ng Sanedrin. Pagkat hindi siya sumusunod sa Kautusan ni Moises.

Tuwirang inantig ni Jesus ang mga konsensiya ng mga eskriba’t Pariseo. Sinabi niya sa kanila: "Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya." Isa-isang nagsialis ang mga tao. Tanging si Jesus at ang babae lamang ang natira. Sabi nga ni San Agustin: "Tanging dalawa lamang ang natira: ang kaawa-awang babae at ang Maawain."


Si Jesus ay maawain. Naparito siya upang iligtas ang mga makasalanan.

ESKRIBA

JESUS

KAUTUSAN

MOISES

PARISEO

SAN AGUSTIN

SI JESUS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with