^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taumbayan ang laging agrabyado

-
Ang taumbayan ang lagin ang kawawa sa mgatransaksiyong kinasasangkutan ng gobyerno. Kapag pumalpak ang transaksiyon, walang ibang naaagrabyado kundi ang taumbayan. Apektado ang serbisyo na dapat ay kanilang kamtin.

Ang pakikipagtransaksiyon ng Commission on Elections (Comelec) sa Mega-Pacific Consortium sa pumalpak na automation project ay walang ibang apektado kundi ang taumbayan. Binasura ng Supreme Court ang P1.03 billion contract ng Mega-Pacific sa Comelec dahil sa maanomalyang bidding. Bukod diyan, hindi mapakinabangan ang may 1,991 automated counting machines (ACMs), na idineliber ng Mega at ayon sa SC, magiging dahilan lamang ito ng malawakang dayaan. Nang testingin ang mga ACMs noong nakaraang taon, mali ang mga lumalabas na data. Nang magsagawa ng pagrerehistro at validation, inabot ng siyam-siyam ang mga botante bago nakatapos. Bunga ng nangyari, marami ang hindi nakapag-validate at tiyak nang hindi sila makakaboto sa May 10 elections.

Pero ang mas matindi rito, ayaw nang ibalik ng Mega-Pacific ang may P850 milyon na paunang ibinayad ng Comelec. Sabi ng Mega-Pacific, ibabalik lamang nila ang pera kung ibabalik din ng Comelec ang 1,991 ACMs sa original state nito. Ibig sabihin, ibalik nang walang sira o nasa "virgin state". Hindi raw sila ang dapat sisihin, sabi ng Mega-Pacific. Ginampanan daw nila ang kanilang tungkulin at idiniliber ang mga ACMs ayon sa specification ng Comelec. Sa himig, ilalaban nang "patayan" ng Mega-Pacific sa Korte para hindi maibalik ang pera ng taumbayan.

Hindi lamang ang isyu sa Mega-Pacific ang matinding isyu ngayon na ang kasangkot ay ang kapakanan ng taumbayan. Nag-takeover na ang gobyerno sa Maynilad Water Services, Inc. (MWSI). Nalugi umano ang Maynilad kaya ipinasya ng Benpres Holdings na bitawan na ang Maynilad at sa gobyerno pinasalo ang may P8 bilyong utang bilang concession fees. Sabi naman ng gobyerno, sila ang sumalo sa Maynilad sapagkat ayaw nilang magsakripisyo ang taumbayan sa kawalan ng tubig. Kawawa raw ang taumbayan kapag ang serbisyo sa tubig ang naapektuhan. Pero malaking isyu naman ang pangyayari sa pag-abandona ng Maynilad sa kontrata sa MWSS at nauugnay pa ito sa pulitika.

Bagamat maganda ang layunin ng gobyerno sa pag-takeover sa Maynilad, hindi naman dapat sila masangkot sa pagkakautang ng nag-abandonang water concessionaire. Hayaan ng gobyermo na bayaran ng Maynilad ang kanilang pagkakautang. Siguruhin naman ng gobyerno na hindi na maaagrabyado ang taumbayan sa serbisyo ng tubig ngayong sila na ang magpapatakbo nito. Masyado nang naging kawawa ang taumbayan sa palpak na serbisyo ng Maynilad. Walang naibigay na masaganang tubig sa mga taga-west zone at marami pa rin ang nauhaw. Hindi dapat naaagrabyado sa serbisyo ang taumbayan.

vuukle comment

BENPRES HOLDINGS

COMELEC

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

MEGA

MEGA-PACIFIC

MEGA-PACIFIC CONSORTIUM

TAUMBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with