Kailan kaya hihinto sa pambobola si Lina?
March 26, 2004 | 12:00am
MAY bagong pambobola na naman si Interior Secretary Joey Lina at ito nga ay ang two strike policy sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Wala rin namang pinagkaiba itong two strike policy sa mga naunang three strikes policy ni Lina laban sa jueteng at kriminalidad. Siyempre pa, ang palaging kawawa sa mga joke ni Lina ay ang mga station commanders ng pulisya natin. Kaya ko sinabing joke mga suki dahil pinipilit ni Lina ang two strike policy niya eh maliwanag naman na hindi pinapansin ng mga kapulisan natin ang pananakot niya. Kasi nga, presko pa sa isipan ng mga pulis natin ang kaliwat kanang semplang ng kampanya ni Lina laban sa kriminalidad at jueteng at paano siya magtatagumpay sa droga? He-he-he! Sipain mo na ang propagandist mo Secretary Lina sir at mukhang hindi siya marunong mag-isip ng mga bagong pakulo para humanga sa yo ang sambayanan.
Sa ginanap na open forum sa isang press conference sa Camp Crame noong Miyerkules, tinanong ng mga reporters si Lina kung paano niya masiguro na maipapatupad nga ang two strike policy eh ang anti-jueteng campaign niya ay hindi naman umusad at a katunayan nabaon na lang sa limot. Sa totoo lang, laganap na naman ang jueteng sa bansa taliwas sa sinasabi ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. sa sarado na pero tahimik na sa ngayon itong si Lina. Magkano kaya? He-he-he! Napipikon si Lina kapag panay jueteng ang tinatanong sa kanya sa mga press conferences mga suki.
Kung sabagay maambisyon si Lina nang sabihin niyang buburahin sa Pilipinas ang problemang dulot ng droga sa 2010. He-he-he! Puwede niyang sabihin ito dahil sa tingin niya wala na siya sa gobyerno sa mga panahon na yon kayat hindi na pag-uusapan ang isyu kapag hindi tumugma ang hula niya. Kailangan siguro ni Lina na sumibak ng ilang station commanders para paniwalaan ng sambayanan na may pangil itong two strike policy niya. Sino kaya ang mauunang masibak? Dahil kung walang masibak na opisyal ng pulisya natin dahil sa kapabayaan sa kampanya laban sa droga, eh mauungkat na naman ang pumalyang anti-jueteng drive niya. At sino pa ang maniniwala kay Lina sa susunod na mga sasabihin niya?
Sa ilalim naman ng two strike ni Lina, ang station commander ay sisibakin kapag dalawang ulit na na-raid ang kanyang lugar bunga sa mga sumbong ng mamamayan ukol sa presence ng drug pushers sa pamamagitan ng pagtawag sa DILG Hotline 117 o Text 117. Ang ibig lang sabihin nito, ayon kay Lina ay hindi alam ng station commanders ang nangyayari sa paligid niya at wala itong pakialam kung dumami man ang pushers sa kanyang sakop. Inatasan din ni Lina si NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon na linisin ang 248 barangays ng Metro Manila ng droga sa Hunyo 30. At kung sino sa mga station commanders na mahina ang performance sa barangay clearing operations ay sisibakin din, he-he-he! Madugo magsalita si Lina pero may lason pa kaya ang laway niya? Eh sa anti-jueteng campaign niya kasi panay talsik ng laway niya pero hindi naman umubra. Kailan kaya mahihinto ang pambobolang ito ni Lina?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest