^

PSN Opinyon

Padrino pala ni Tikboy Garcia si Sen. Barbers kaya hindi kayang hulihin ni Gen. De Leon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG seryoso si NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon sa anti-kotong campaign niya. Kasi nga umaabot na sa 41 pulis at mga traffic enforcers ang huling bilang ng naaresto ng mga tauhan niya pero wala pa tayong makitang palatandaan na ibababa na ni De Leon ang mga kamay na bakal niya. Kung sabagay, masalimuot sa ngayon ang sitwasyon sa kalye at hindi natin masisi ang mga tiwaling pulis natin kung bakit ayaw nilang makinig sa mga alituntunin ni De Leon sa kadahilanang sila lang ang nakakaalam. Ang lumalalang economic situation kaya ng bansa ang dahilan? Eh sa panahon sa ngayon, lahat naman tayong Pilipino ay naghihikahos kaya’t dapat lang na maghigpit ng sinturon. Karamihan kasi dito sa kapulisan natin eh maraming pamilya ang sinusuportahan kaya’t hindi nila mapigilan ang sariling magdilihensiya. Pero saan ang bagsak nila? Kung hindi sa kulungan, tiyak madi-dismiss pa sila at kawawa ang maiiwan nilang pamilya, di ba mga suki? He-he-he! Kaya dapat na sigurong makinig ang kapulisan natin sa NCRPO dito sa mga warning ni De Leon para maiwasan nila ang mai-presenta sa media nga. Kayo rin?

Kahit parami nang parami ang bilang ng kapulisan at sibilyan na nahulog sa lambat ni De Leon, mukhang madulas pa sa palos naman ang mga buwaya ng Intelligence Group (IG) sa pamumuno ni Tikboy Garcia. Kahit may warning na kasi sina Tikboy, SPO2 William Tiamzon at Nanding Timbang at Abe David, eh patuloy pa rin ang pananalasa nila sa kalye. Sa katunayan, itong si Tikboy ay nagyayabang pa na hindi siya kayang hulihin ni De Leon dahil sa padrino niyang si Sen. Robert Barbers. Isang kumpas lang daw ni Barbers tiyak titiklop itong mga kamay na bakal ni De Leon. Patuloy din ang pananakot nina Tikboy Garcia. Tiamzon, Timbang at David sa mga taong inalipusta nila. Kahit abot-langit pa ang pagsisigaw ng bagong promote na si Chief Supt. Ismael Rafanan ng IG eh mukhang walang saysay sa grupo ni Tikboy Garcia. Mabilis rin palang makalimot si Rafanan, no mga suki? He-he-he! Isang malaking hamon itong grupo ni Tikboy Garcia sa anti-kotong na kampanya ni De Leon. Hanggang kailan kaya ang suwerte nitong grupo ni Tikboy Garcia?

Ayon naman sa mga nakausap natin sa WPD Press Corps, sa kuwentuhan lang malinis si Tikboy Garcia. Hindi raw ito marunong mahiya at walang prinsipyo na ipinaglalaban. Basta ang importante lang eh kumita siya kaya’t hayun sumemplang siya sa kamay ng Presidente Anti-Orga-nized Crime Task Force (PAOCTF) sa kasong pangongotong nga, he-he-he! Me abilidad talaga itong si Tikboy Garcia, ayon sa taga-WPD Press Corps. Hindi natin tatantanan itong grupo ni Tikboy Garcia.

Hindi lang ang grupo ni Tikboy ang napupuna ng WPD Press Corps na iniiwasan ni De Leon sa anti-kotong campaign niya kundi maging ang mga tong-collectors ng limang police districts sa Metro Manila. Bakit may kinikilingan itong si De Leon?

ABE DAVID

CHIEF SUPT

DE LEON

GARCIA

KAHIT

LEON

PRESS CORPS

TIKBOY

TIKBOY GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with