May exchange deal ba sina GMA at Erap ?
March 13, 2004 | 12:00am
TALAGA bang pinayagang makalabas ng kanyang kulungan si dating President Erap at ilang ulit namamalagi sa kanyang resthouse maliban sa makapagpasyal ito sa ilan nitong mistress nang walang pahintulot ang Korte? Ang villa ni Erap ay nagkataong napakalapit sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal na kanyang kinakukulungan.
Ang matindi sa isyung ito ay naganap ang pagpapapuslit kay Erap sa kautusan diumano ni President Gloria Macapagal-Arroyo at sa kaalaman nina Sec. Michael Defensor at PNP Chief Hermogenes Ebdane, Jr. Ang hindi nga lang daw napagsabihan at nakakaalam sa bagay na ito ay ang Sandiganbayan na dumidinig sa mga kaso ni Erap. Agad sinibak ni Ebdane ang lahat ng mga tauhang namamahala sa seguridad ni Erap.
Nang sumingaw ang balita, kaagad itinanggi ng Malacañang na wala silang kinalaman dito. Sinagot din nila ang alegasyon na mayroon silang usapan ng kampo ni Erap. Gagawa raw ng paraan si GMA upang maging maluwag ang pagkakakulong ng dating pangulo kapalit ng suportang pampolitikal partikular diumano ay ang mga botong manggagaling sa INC., El Shaddai at iba pa.
Nagpahayag kamakalawa ang Iglesia ni Cristo at El Shaddai ng kanilang pagsuporta kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa iginagawad nitong espesyal na pribilehiyo kay Erap sa ngalan ng humanitarian consideration. Sinabi nilang walang masama at hindi pag-aabuso ang pagbibigay ng gobyerno ng mahusay na pakikitungo kay Erap.
Sa pagkakataong ito, ipit din dito si Erap sapagkat alam naman natin kung gaano siya kalapit kay FPJ. Para silang magkapatid at may kinalaman din si Erap kung bakit naging kandidato si FPJ sa darating na eleksiyon. Pero, sa pulitika, walang imposible. Pati yata kaluluwa ay naibebenta para sa personal na interes. Abangan ang mga susunod na kabanata.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest