^

PSN Opinyon

Justice delayed, Justice denied para kay Justice Nazario

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MAHIWAGA ang nangyari sa appointment ni Sandiganbayan Presiding Justice Minita Chico Nazario sa Supreme Court. Inihayag ng Malacañang ang pagtatalaga ni President Gloria Macapagal-Arroyo kay Nazario noong Feb. 10. Napili si Nazario dahil sa magandang record nito at sa rekomendasyon na rin ng Judicial Bar Council.

Matapos ng pagpapahayag, wala nang sumunod pang pagbabalita tungkol dito. Ano ang nangyari? Ni ho, ni ha ay walang narinig sa Malacañang. Nagkamali ba si GMA o baka naman may nagawang pagkakamali si Nazario na hindi maaaring mapatawad ng Malacañang? Bakit biglang nawala ang appointment paper niya? May kinalaman ba ang pagbawi ng pagtatalaga ni Nazario bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court sa kaso ni dating Pangulong Erap sa Sandiganbayan na pinamumunuan noon ni Nazario?

Napakaraming katanungan tungkol sa pagbawi ng appointment ni Nazario. Unfair ito kay Nazario dahil 40 taon na siya sa serbisyo. Hindi rin ito maganda para kay GMA. Urong-sulong siya kung mag-desisyon.

Wala pang ibinibigay na dahilan ang Malacañang sa naganap na pagbabago ng desisyon kay Nazario. Sana ay hindi patagaling nakabitin ang pagpapaliwanag sa napakasensitibong bagay na ito para maiwasan ang mga maling paniniwala lalo na’t malapit na ang eleksyon.

ANO

ASSOCIATE JUSTICE

BAKIT

JUDICIAL BAR COUNCIL

MALACA

NAZARIO

PANGULONG ERAP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANDIGANBAYAN PRESIDING JUSTICE MINITA CHICO NAZARIO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with