^

PSN Opinyon

Sayang ang ginastos ng gobyerno kay Col. Rafanan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
IMBES na mga terorista, New People’s Army o mga kalaban ng gobyerno ang pagkaabalahan nitong Intelligence Group (IG) ng Philippine National Police (PNP) natin eh taliwas ang tinutugis nila dahil ang mga pasugalan ang inuuna. Habang abala si PNP Chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. sa kanyang mga programa at proyekto para maibalik ang tiwala ng sambayanan sa kapulisan natin eh dinudungisan naman nitong IG sa liderado ni Sr. Supt. Ismael Rafanan, ng PMA Class ’75. Hamakin mo, apat na taon na nakipagbuno si Rafanan sa mga makakapal na libro para pag-aralan ang kalaban ng gobyerno natin at pagkatapos lilinya lang pala siya sa pasugalan. Sayang ang ginastos ng gobyerno sa ’yo, Col. Rafanan Sir! He-he-he! Hindi naman kasi nag-iisa si Rafanan sa hanay ng kapulisan natin sa bulsa muna bago trabaho, di ba mga suki?

Nagkamali kaya si Ebdane sa paghirang kay Rafanan? Kasi nga, wala naman sa charter ng IG na manghuli sila ng pasugalan dahil nakasaad doon ang mga elemento lang na gustong pabagsakin ang gobyerno ang kanilang atupagin. Sino ang nagbigay ng basbas dito kay Rafanan? Hindi naman siguro puwedeng pondo ang dahilan dahil malaki ang inilaan sa kanila na budget di ba Gen. Ebdane Sir? Kaya hindi tayo magtataka kung lalong masangkot ang IG sa mga kontrobersyal na kaso tulad ng pagtakas ng kidnaper at terorista sa kulungan nila dahil iba ang kanilang pinagkaabalahan at ’yan nga ay ang mga pasugalan na naglipana na hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ayon sa mga nakausap nating pulis, ang mga alagang buwaya ni Rafanan ay sina SPO2 William Tiamzon, at matandang Timbang, Abe David at Tikboy Garcia. Itong si Tiamzon ay naka-assign sa Taguig si Timbang sa NCRPO at sina David at Garcia naman ay mga sibilyan. Matutulis ang mga pangil at matibay ang mga hasang nitong sina Tiamzon, Timbang, David at Garcia dahil ’yan ang turo ng master trainer nilang si Col. Robles na bata naman ni Rafanan, he-he-he! Dapat lang sigurong isama ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon itong apat na buwaya ni Rafanan sa kampanya niya laban sa ABAKADA cops o civilian, di ba mga suki?

Sa totoo lang, may tatlong butas na itong IG natin. Ang ibig kong sabihin mga suki, tatlong unit na ang binibigyan ng intelihensiya sa kanila. Pero nitong nagdaang mga araw eh nangharibas ng panghuhuli ang mga buwaya ni Robles at ang kadalasang target ay mga makina ng video karera. Ang siste lang, hindi lahat ng makina na nakumpiska nila ay dinadala sa IG headquarters nga sa Camp Crame, he-he-he! Dati mga terorista o mga kaaway lang ng gobyerno ang dinadala sa IG natin sa ngayon pati video karera ay pinapatulan na nila. Nababoy tuloy itong PNP natin dahil sa mga buwaya ni Rafanan. Sa isang safehouse pala dinadala sa IG natin sa ngayon pati video karera ay pinapatulan na nila. Nababoy tuloy itong PNP natin dahil sa mga buwaya ni Rafanan. Sa isang safehouse pala dinadala nitong mga buwaya ni Robles ang karamihang nahuli nilang makina. Siyempre pa, ibebenta nila ito at ang kinalabasan niyan si Rafanan ay mabubukulan. Marami tuloy ang gustong manalo na si FPJ sa May elections para matanggal na hindi lang si Ebdane kundi pati na si Rafanan. Abangan!

ABE DAVID

CAMP CRAME

CHIEF DIR

DAHIL

EBDANE

EBDANE SIR

LANG

NATIN

RAFANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with