EDITORYAL - DPWH(ache)
February 9, 2004 | 12:00am
PINUPROBLEMA ng gobyerno ang budget deficit, kakulangan sa pananalapi na maitutustos sa mga pagawaing bayan, walang sapat na pondo para sa mga proyektong mag-aangat sa mahihirap at iba pang kakulangan o kakapusan. Pero habang namumuroblema ang gobyerno at ang mahihirap ang pinagpapasan ng kung anu-anong tax para makalikom ng pondo o maipampuno sa kakulangang pampananalapi, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ay masyadong naging maluwag sa kanilang mga empleado at opisyal.
Habang maraming taxpayers ang naghihigpit ng sinturon dahil kinuha na ng gobyerno ang malaking porsiyento sa kanilang kinikita, sobra-sobra naman ang ibinayad ng DPWH sa kanilang empleado at opisyal bilang honoraria. Yes, bukod sa suweldo na tinatanggap ng empleadot opisyal sa nasabing tanggapan, mayroon pa silang tinatanggap na honoraria bilang pagtupad sa anilay ibang tungkulin.
Noong 2002, gumastos ang DPWH ng P100 million para sa honoraria ng mga empleado mula pinakamababang posisyon hanggang sa mga undersecretaries. Ang ibinayad na honoraria ay doble sa kanilang kinikita. Halimbawa, ang isang empleado ay sumusuweldo ng P10,000 isang buwan, naging P20,000 ang kanyang tinanggap na honoraria. Mai-imagine kung ang isang undersecretaries ay sumasahod ng P50,000, e di P100,000 ang kanyang honoraria. Paano kung mahigit P50,000 ang suweldo?
Nitong nakaraang taon, ayon pa rin sa report, gumastos muli ang DPWH ng P100 million para sa honoraria. Kaya malinaw na P200 milyon ang gastos ng DPWH sa mga taong 2002-03. At maaaring ngayong 2004 panibagong P100 milyon na naman ang magiging honorarium. Maliban na lamang kung magkaroon ng mahusay at hindi corrupt na secretary ang DPWH sa pagpasok ng panibagong administrasyon. Kung ang magiging secretary ay isip-kurakot din, baka madoble pa ang magiging honorarium.
Malinaw na ang pagbibigay ng sobra-sobrang honoraria ay paglabag na sa circular na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong 1995. Nakasaad sa circular na hindi dapat lalampas sa 50 percent ng gross annual income ng empleado at opisyal ang magiging honoraria. Pero grabe nga ang nangyayari sapagkat doble pa ng sahod na natatanggap ang honoraria. Grabe na to!
Mahirap ang naghihikahos, naghihigpit ng sinturon, marami ang lumalaban ng parehas para kumita, pero sa DPWH ay may kumikita ng sobra-sobra. At sino ba ang nakaaalam kung ang pagganap nila ng sinasabing ibang trabaho ay nakikinabang ang taumbayan. Kung ang mismong secretary ng DPWH ay walang alam sa nangyayari sa kanyang bakuran, ano pa ang taumbayan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended