Hindi pa tapos ang citizenship issue
January 27, 2004 | 12:00am
MARAMI ang nag-akala na tapos na ang gulo sa citizenship case laban kay Fernando Poe, Jr. nang ito ay ibinasura ng First Division ng Comelec. Yun pala ay first round lamang ito ng sanga-sangang mga kaguluhan. Nabaligtad na ang senaryo sapagkat ang mga nagsakdal na hindi dapat payagang tumakbo si FPJ sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon ay siya ngayong mga inaakusahan at pinalalabas na masasama.
Ang magkapatid na abogadong Fornier na naghain ng naturang disqualification case kay FPJ ay nabalitang ipaghaharap ng kaso sa Korte ng mga abogado ng action king. Subalit, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Fornier brothers sapagkat sa Supreme Court naman nila ihaharap ang kaso laban kay FPJ.
Ang Director naman ng National Archives na si Ricardo Manapat na tumulong sa paghahanap ng mga dokumentong kinailangan ng Fornier brothers ang nasa pinakagrabeng kalagayan. Matapos na insultuhin, bastusin at akusahan ng pagkakasala ng tatlo niyang kawani, si Manapat ay pinatatanggal sa kanyang tungkulin ng mga senador sa pangunguna ng mga taong nasa likod ng kandidatura ni FPJ.
Habang tumatagal ay lalong nagiging marumi ang kasong ito ng disqualification case kay FPJ. May mga lumalabas nang akusasyon na ang nasa likod daw ng demolition job na ito kay FPJ ay si GMA dahil daw sa masyadong malakas na kalaban. Sinasabi naman ng mga taga-administrasyon na mabuti ngang tumatakbo pa rin si FPJ nang sa ganoon ay maghati-hati ang oposisyon.
May mga naniniwala naman na ang talagang may kagagawan sa hangaring pagpapatalsik kay FPJ ay ang kampo ni Sen. Ping Lacson. Sabi nila, ang malaking makikinabang kapag hindi na naging kandidato si FPJ ay si Lacson sapagkat masosolo niya ang oposisyon. Ano ang paniwala ninyo? Natutuwa ba kayo sa mga ginagawang kabulastugan ng mga ito?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended