Bro. Eddie malakas na presidentiable
January 19, 2004 | 12:00am
KAMAKAILAN ay napabalitang nag-atras na ng kandidatura sa pagka-presidente si Bro. Eddie Villanueva, pastor ng Jesus is Lord Church (JIL).
It turned out na itoy tsismis at malayo sa katotohanan porke tuloy ang hirit ni Bro. Eddie sa panguluhan. Siya mismo ang nagpabulaan sa balitang ito.
Iyan ang isang istilong bulok sa larangan ng tradisyunal na pulitika. Natatandaan ko pa nung bata pa ako, may mga madayang politiko na magpa-publish pa at magpapakalat ng spurious newspaper para ibalita na ang kanilang pinakamabigat na katunggali ay nag-atras na ng kandidatura.
Ganyan ang mga trapo. Handang gumastos ng pera para wasakin ang kanilang kalaban sa pulitika. Sa tingin ko, dapat pa itong ikatuwa ni Bro. Eddie. Ginagamitan siya ng dirty tricks dahil hindi siya pipitsuging kandidato.
May ilang text messages akong natatanggap na pumipintas din kay Bro. Eddie. Hindi raw dapat pasukin ng isang alagad ng simbahan ang politika. Pero gaya nang aking nasabi na sa kolum na ito, kung kakandidato si Bro. Eddie bilang Pangulo, iboboto ko siya sa dahilang wala na akong mapagpipiliang iba.
Nasubukan na natin ang mga sari-saring klase, May plain housewife, ex-military, artista sa pelikula at ekonomista. Wala. Wala pa ring ipinagbago ang bansa, bagkus, lalong lumulubha ang ating problema. Isa pa, bawat kandidato sa panguluhan ngayon ay may mga masasamang isyung nakakapit sa kanila.
Bakit hindi natin subukan ang isang man of God? Naniniwala ako na ang kulang sa ating mga leader ngayon ay ang pagiging malapit sa Diyos at sariling pantaong pormula ang ginagamit sa paglutas sa problema ng bansa sa halip na tagubilin ng Diyos na nakasaad sa Bibliya ang pinagbabatayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended