^

PSN Opinyon

Maagang naamoy ang lihim ni Chief Supt. Noble

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BALAT-SIBUYAS din pala si Chief Supt. Prospero Noble Jr., ang hepe ng Southern Police District (SPD). Nitong nagdaang mga araw kasi, eh maraming beses nagka-krus ang aming landas diyan sa area niya pero hindi tayo kinibo taliwas sa kinaugalian niya noong unang mga araw niya sa SPD. Mukhang dinamdam niya ang ibinulgar ko kamakailan na nagkaroon ng bidding ng lingguhang intelihensiya para sa opisina niya at ang nanalo nga ay ang P140,000. Para sa kaalaman ni Gen. Noble, nais ko lang iparating sa kanya ang tsismis na kumakalat sa kalye at kung itong ikinilos niya ng nagdaang mga araw ang gagawing basehan mukhang may alam siya sa bidding, he-he-he! Maaga lang sigurong naamoy ang lihim niya, di ba mga suki?

Ayon naman sa nakausap kong pulis-Pasay, marami pala ang gustong sumali sa isinagawang bidding pero nag-atrasan sila matapos mabatid na may nag-bid ng P140,000. Sobrang mataas kasi ito at maaring hindi nila makayanan kahit araw-araw na silang mag-ikot diyan sa area ni Noble nga. Kasi nga, ang nakukubra palang lingguhang intelihensiya diyan sa SPD ng taga-NCRPO naman ay aabot lang sa P180,000 eh marami pa namang unit sila. Di ba alam mo ’yan Sr. Supt. Robert Bondoc ng RISOO? Ibig sabihin niyan, kailangan kabisado mo ang lugar, pati na ang kalakalan, para makuha mo ang nasabing halaga na P140,000 nga. At sino ang magiging kawawa? Di ba ang mga gambling lords at mga may-ari ng putahan at mga nightclubs? Baka naman pati mga drug pushers ay may intelihensiya na rin kayat abot langit ang nakukubrang intelihensiya, he-he-he! Iba talaga sa SPD, ’no mga suki? Patibayan lang ng dibdib ’yan!

Para naman sa kaalaman ni Bondoc, patuloy pa rin ang pananalasa ni Gene Lopez sa mga gambling lords at iba pa sa Kamaynilaan. Di ba itong si Lopez din ang humirit ng P150,000 kada linggo kay Manila racehorse bookies king Oscar Simbulan alyas Boy Abang kaya’t hilong-talilong ang huli nitong nagdaang mga araw? Itong si Lopez pala ay kaalyado ni Chief Insp. Jackson Tuliao na itinapon naman ni NCRPO Dir. Ricardo de Leon dahil sa ginawang malawakang hulidap nito sa mga video karera operators sa Maynila noong Kapaskuhan. Ayon pa sa pulis-Pasay, ang mga kolektor ni Bondoc sa Quezon City ay isang Maj. Hernandez, sina Erning Capungcol at Nardo sa SPD at SPO2 Bistik Santillan sa WPD. Itong si Santillan ay ginigisa rin ang opisina ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong, Ano ba ’yan?

Eh, kung zero jueteng dito sa Maynila, bakit masaya pa ang mga kolektor ng intelihensiya, Gen. De Leon, Sir? Kung patuloy na umiikot itong taga-SPD at iba pang unit ng NCRPO tulad ng RISOO, di ang suma total n’yan bukas na bukas din ang mga pasugalan at putahan, di ba mga suki? Ibig bang sabihin n’yan, bale-wala na rin ang asim ng simbahan kung ang sugal na jueteng ang pag-uusapan? Teka nga pala, ang nanalong bidder sa intelihensiya ng SPD? Eh, di ang dating mga kolektor diyan. Abangan!

AYON

BISTIK SANTILLAN

BOY ABANG

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DE LEON

ERNING CAPUNGCOL

GENE LOPEZ

IBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with