EDITORYAL - Trahedya sa expressway
January 9, 2004 | 12:00am
ANG 2003 ay itinuturing na taon ng trahedya sa kalsada dahil sa dami ng mga nangyaring sakuna. Maraming pampasaherong bus, dyipni, taxi at mga pribadong sasakyan ang bumangga at nahulog sa bangin. Maraming buhay ang nalagas at hanggang sa kasalukuyan ay inihahanap pa ng hustisya na mga naulila ng biktima. Paghahanap na maaaring hindi na masumpungan dahil sa makupad na pag-usad ng batas.
Pero hindi pa pala tapos ang paghagupit ng mga malalagim na aksidente sa kalsada. Mayroon pa palang buntot ang 2003 at mas malalagim pa. Kamakalawa ay tatlong sunud-sunod na aksidente ang nangyari sa South Luzon Expressway (SLEX) at Makati na nagresulta sa pagkamatay ng 10 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.
Pinakamadugo ang nangyari sa may Sta. Rosa, Laguna nang isang pampasaherong bus ang nawalan ng preno at tumawid sa southbound lane ng expressway. Eksakto namang parating ang isang 10-wheeler truck at nabangga ang bus. Anim ang patay sa aksidente. Makalipas ang aksidenteng iyon, isang L300 van na nagpabagal ng takbo dahil sa pagsama ng panahon ang binangga ng isang humahagibis na tenwheeler truck. Tatlo ang patay sa aksidenteng iyon. Samantala, isa naman ang namatay sa may Magallanes Interchange sa Makati nang bumangga sa bakal na bakod ng highway malapit sa MRT station. Ang kalsadang pinangyarihan ng aksidente ay karugtong ng South Luzon Expressway. Natuhog ng bakal ang biktima at namatay noon din.
Maraming buhay na naman ang nalagas dahil sa aksidente sa kalsada. Sa kabila naman na sunud-sunod ang mga nangyayaring aksidente, walang ginaga- wang hakbang ang mga kinauukulan kung paano matutukoy ang ugat at nangyayari ang mga aksidente. Marahil, nasa isip nilang ang aksidente ay dumarating o nagaganap nang biglaan kaya nga tinawag na aksidente. Pero may paraan din naman kung paano maiiwasan o mahahadlangan ang aksidente.
Sa South at North Luzon Expressways ay kapansin-pansin na walang gaanong babala sa mga motorista lalo na kapag tikatik ang ulan. Kapag umuulan ay madulas ang daan. Bakit walang paalala na MAGDAHAN-DAHAN MADULAS ANG DAAN. Nasiyasat na ba ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kung ang mga bumibiyaheng bus ay may karapatan pang bumiyahe o kakarag-karag na at ayaw kumagat ang preno. Dumaan na ba sa drug test ang bus driver? Marunong bang bumasa ng road sign ang driver?
Kung ang sagot ay NO, asahan na magkakaroon pa ng sunod-sunod na trahedya sa expressways o saan pa mang lansangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am