^

PSN Opinyon

Kaso ng taga-bantay sa niyugan

- Jose C. Sison -
NAKAPAGMANA si Eddie ng 2.7 ektarya ng lupa ng niyugan. Inatasan niya si Aling Juana bilang patao kung saan makakatanggap siya ng 20 percent nabahagi ng ani ng niyugan sa pamamagitan lamang ng pagbabantay laban sa mga magnanakaw ng niyog. May iba pang trabahador si Eddie na kanyang binabayaran tulad ng magkakawit ng niyog, magsisimot, magtatapas at maghahakot sa pamamagitan ng kabayo o kalabaw.

Taong 1971, hindi na magampanan ni Aling Juana ang kanyang gawain sanhi ng katandaan kaya iminungkahi niya si Mang Tino, pumayag naman si Eddie. Si Mang Tino ay naging patao rin at tumanggap ng kaparehong halaga tulad ng kay Aling Juana. Minsan, nagtatanim siya ng niyog at lansones kung saan nababayaran naman siya ni Eddie katumbas ng 20 percent na kita ng napagbentahan ng mga produkto.

Noong 1995, nagsadya si Mang Tino sa opisina ng Municipal Agrarian Reform Office (MARO) at hiniling ang isang leasehold contract sa pagitan nila ni Eddie dahil siya raw ay tenant nito. Nagsumite si Mang Tino ng dokumento tulad ng apidabit, mga resibo ng paghahati nila ni Eddie sa kita ng ani, sertipiko ng kanilang kapitan ng barangay na isa siyang residente ng lugar, sertipiko ng municipal assessor’ office kung saan nakatala rito ang lupain ni Eddie at patunay ng pagbabayad nito ng buwis sa lupa at isang mediator’s report sa pagitan ng mga partido.

Subalit itinanggi ni Eddie na isang tenant si Mang Tino. Nararapat lamang daw na itigil niya ang pagbibigay ng bayad kay Mang Tino nang abandonahin nito ang lupain at manirahan sa ibang barangay.

Taong 1997, nagsampa ng kaso si Mang Tino laban kay Eddie dahil sa ilegal na pagkakait nito sa kanyang hati sa kita ng ani at sa pagsasagawa ng isang leasehold tenancy contract. Hindi pinaboran ng Provincial Agrarian Reform Adjudication Board (PARAD) si Mang Tino subalit nanalo naman siya sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB). Umabot sa Court of Appeals (CA) ang kaso kung saan binaligtad nito ang desisyon ng DARAB. Ayon sa CA, si Mang Tino ay hindi isang tenant kundi isang patao na namamahala sa seguridad ng niyugan at hindi sa pang-agrikulturang gawain. Dagdag pa ng CA, ang paglipat ni Mang Tino sa ibang barangay ay isang pagtalikod sa gawain kaya nararapat na ipagkait sa kanya ang suweldo. Tama ba ang CA?

Tama.
Ang mga palatandaan ng isang tenancy relationship ay ang mga sumusunod. (1) isang lupaing agrikultural ang paksa ng kontrata; (2) may-ari ng lupa at isang nangungupahan ang mga partido nito; (3) pagkakaroon ng malinaw na kasunduan; (4) layunin ng mga partido ang pagkakaroon ng produksyong agrikultural; (5) personal na pagsasaka ng tenant at (6) paghahati ng ani ng may-ari at nangungupahan rito.

Sa kasong ito hindi napatunayan ni Mang Tino ang isang elemento, ang personal na pagsasaka ng lupa. Hindi sapat ang minsanan niyang pagtatanim ng puno at lansones dahil ang gawaing ito ay ginagampanan na ng ibang tao ni Eddie. Kaya walang karapatan si Mang Tino sa mga benepisyo mula sa batas ng tenancy (Esquivel vs. Reyes etc. G.R. 152957 Sept. 8, 2003).

vuukle comment

ALING JUANA

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM ADJUDICATION BOARD

EDDIE

ISANG

MANG

MANG TINO

MUNICIPAL AGRARIAN REFORM OFFICE

TINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with