Negosasyon sa dilim ng gobyerno at MILF
December 30, 2003 | 12:00am
SISIMULAN ang peace talks sa Moro Islamic Liberation Front nitong darating na linggo. Pinakiusapan ng gobyerno ang Malaysia na i-host ang negosasyon. Tatalakayin kung paano babalik ang mga rebeldeng Moro sa kanilang mga baryo nang walang tutugis at ang pangkabuhayan nila.
Pero may napabayaan ang gobyerno. Nakalimutang ipasuko sa MILF ang mga kasaping terorista na pumatay ng mga sibilyan sa Siocon, Carmen, Pikit at Davao City. Nakaligtaang ipa-waksi sa mga rebelde ang Jemaah Islamiya, front ng al-Qaeda sa Silangang Asya na nagbomba sa Bali nung 2002 at sa Maynila nung 2000.
Papasok sa negosasyon ang gobyerno tungkol sa kapayapaan. Pero tila hindi na hahabulin ang hustisya para sa mga biktima ng terorismo. Umamin mismo ang mataas na opisyal ng JI na nahuli sa Thailand na 33 kasapi ang nag-training sa special camp ng MILF sa Buliok complex. Pero tinanggap na lang basta ng gobyerno ang denial ng pamunuan ng MILF. Hiningi ng Malacañang na isuko ng MILF ang mga komander na namuno sa kilos terorismo. Pero tinanggap din basta ng gobyerno ang salita ng MILF na kesyo matagal na nilang sinibak ang mga iyon.
Niloloko ng gobyerno ang sarili. Sa hangad na basta lang matigil ang putukan, pinabayaan na ang hustisya. Sa hangad na bumuhos ang pangakong $38 milyong aid ng US sa Mindanao, pinalampas na ang mga kriminal. Sa ganung sitwasyon, makikipag-negosasyon ang gobyerno sa dilim. Makikipag-usap, pero hindi alam ang batayan; kakapa-kapa lang.
Samantala, iginigiit ng MILF na alisin agad ang mga sundalo sa Buliok complex. Pilit na pinarerespeto sa gobyerno ang mga umanoy kampong-MILF. At ayaw mag-garantiya ang mga rebelde na hindi na sila maglulunsad ng opensiba laban sa sibilyan o militar.
Totoong 30 na ang gulo sa Mindanao. Halos 65,000 na ang patay sa magkabilang panig, at dalawang milyon ang nawalan ng bahay. Bilyun-bilyong piso ang naluging negosyo at P50 milyon kada araw ang nagasta ng gobyerno. Pero hindi katwiran yon para sumuko sa gusto ng MILF.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest